Sa Sichuan, may maririkit na tanawin at masasarap na pagkain, may magagandang inukitang haligi at barakilan at may nakapanggagayumang kasaysayan at kultura. Kaya sa pagpunta roo'y parang ayaw na lumisan.
Sa katunayan, mula noong matandang kapanahunan, dahil nasa kanlurang interyor ng Tsina ang Sichuan, masalimuot ang lagay ng lupa kaya hindi basta-basta lamang makapupunta roon. Tulad ng nakasaad sa tulang may pamagat na "Kay Hirap ng daan sa Sichuan" na katha ng bantog na makatang si Li Bai noong unang panahon. Sa tulang iyo'y inilarawan ang kalagayan ng di kombenyente ng komunikasyon sa Sichuan.
Subalit nagbago na ngayon ang kalagayan. Pinag-uugnay na ng sala-salabat na perokaril ang sichuan at iba't ibang lunsod sa Tsina. Nadaragdagan taun-taon ang mga airline sa pagitan ng Sichuan at iba't ibang lugar sa loob at labas ng bansa. Kasabay nito, napabubuti na rin ang serbisyo sa turismo sa Sichuan. Isinalaysay ni Mr. Zhang Gu, direktor ng kawanihan ng turismo ng Sichuan ang tungkol sa mga kalagayan ng hotel sa Sichuan. Sinabi niyang,
"Mayroon na kami ngayon ng mahigit sa 470 iba't ibang klase ng hotel na kinabibilangan ng l2 five star hotel at 50 four star hotel. Nasa ika-4 na puesto sa buong bansa ang Sichuan kung ang bilang ng mga five star hotel at four star hotel ang pag-uusapan. Walang problema ang pagtira at serbisyo sa pagtanggap sa mga panauhin."
Sa kasalukuyan, liban sa wikang Ingles, puspusang nagsasanay na rin ang Sichuan ng mga guide sa wikang Aleman, Pranses, Hapones at iba pang wika. Sinabi pa ni Zhang Gu na taos puso niyang inaayayahan ang mga kaibigan mula sa loob at labas ng bansa na pumarito sa Sichuan. Buong puso naming paglilingkuran ang mga kaibigan.
|