• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-06-07 19:11:27    
Kooperasyon ng mga puwerto ng Tsina at Pilipinas, kinakaharap ang bagong pagkakataon

CRI

Ngayong araw ay ikalawang araw ng pananatili ng delegasyon ng China ASEAN Cooperation Tour sa Pilipinas. Patuloy sila sa pagsasagawa ng mga panayam at pagbisita sa ilang lugar sa loob at labas ng Maynila.

Pagkaraan ng halos dalawang araw na pananatili sa Pilipinas, anu-ano ang ginawa ng aming deelegasyon at kanilang impresyon sa Pilipinas? Narito ang ulat ng aming reporter na si Vera:

"Magandang gabi mga giliw na tagapakinig. Ito si Vera, mamamahayag ng Serbisyo Filipino sa delegasyon ng China ASEAN Cooperation Tour.

Ngayong araw ay ika-2 araw ng pananatilii ng delegasyon namin sa Pilipinas. Bagama't dalawang araw na, exited na exited ako, dahil ito ang kauna-unahang pagbisita ko sa Pilipinas.

Hanggang sa kasalukuyan, isinagawa na namin ang ilang panayam at bumisita rin kami sa Kaisa-Angelo King Heritage Center, isang museong may kinalaman sa pamumuhay ng mga Tsinoy sa Pilipinas, Intramuros, Fort Santiago, San Agustin Church at Rizal Park.

Kung babanggitin ang aking impresyon sa Maynila hanggang sa kasalukuyan, gusto ko ang magandang tanawin dito. Gusto ko ang ngiting mapagkaibigan ng mga mamamayang Pilipino at ang masara na mango shake. Pero siyembre, ang mainit at basa-basang klima dito ay di-kabilang sa mga paborito ko."

Bumisita rin ang delegasyon sa Manila Port at ginawa roon ang payanam sa isang joint venture ng Tsina at Pilipinas. Ang kompanyang ito ay COSCO Philippines Shipping Inc. na magkasanib na pinatatakbo ng COSCO o China Ocean Shipping Company at Bantayog Ocean Shipping Inc.. Kaugany ng kompanyang ito, isinalaysay ni Lan Chunhai, General Manager ng kompanya, na,

"Noong 1978, sinimulan na ng COSCO ang negosyo sa Pilipinas at noong 1996, itinatag namin at aming partner na Pilipino ang joint venture na ito. Isinasaoperasyon ng kompanyang ito, pangunahin na, ang feeder lines na nangangahulugan itong inihahatid namin ang mga paninda mula sa Manila Port sa mga malaking bapor sa Hong Kong Port at Singapore Port para maihatid ang mga ito sa iba pang malayong lugar."

Sa katotohanan, ang kooperasyon ng Tsina at Pilipinas sa aspekto ng ocean shipping ay isinasagawa na sa loob ng isang mahabang panahon. Ayon kay Felipe Pacheco, Manager ng Manila International Container Terminal, may mga direktang liner service sa pagitan ng Manila Port at mga puwerto ng Tsina at binanggit niya ang mga sumusunod na puwertong Tsino. Sinabi niya na:

"Sa karaniwan, isinasaoperasyon ang mga direktang liner service sa pagitan ng Manila Port at mga malaking puwerto ng Tsina na kinabibilangan ng Shanghai, Tianjin, Qingdao, Xiamen at mga iba pa."

Sa ika-4 na China ASEAN Expo na idaraos sa darating na Nobyembre, ang kooperasyon ng mga puwerto ay magiging isang pangunahing tema ng ekspong ito. Batay naman sa mungkahing iniharap ng panig Tsino hinggil sa paggagalugad sa kooperasyon sa rehiyon ng Pan Beibu Bay, ang puwerto rin ay isang mahalagang aspekto ng kooperasyon. Ito ay palatandaang sa hinaharap, pag-uukulan ng mas malaking pansin ng Tsina at mga bansang ASEAN ang kooperasyon ng kanilang mga puwerto.

Ipinalalagay ni Mr. Lan na magbibigay ito ng mainam na pagkakataon sa Manila Port at sa kooperasyon ng mga puwerto ng Tsina at Pilipinas. Sinabi niyang,

"Batay sa aking karanasan, kinakailangan ng Tsina at mga bansang ASEAN ang mga bagong distributing center, dahil sa kasalukuyan, medyo mataas ang cost sa mga puwerto ng Hong Kong at Singapore. Sa palagay ko, ang Manila Port ay isang mabuting pagpili. Kasiya-siya ang lokasyon nito, mainam ang mga serbisyo at medyo mababa ang mga cost doon. Kung ang Manila Port ay magiging bagong distributing center, siguradong pasusulungin ang kooperasyon nila ng higit pang maraming puwerto ng Tsina."