Kasunod ng palapit nang palapit na 2008 Beijing Olympics, abalang-abala ang iba't ibang paghahanda ng lunsod ng Beijing para rito.
Bilang isa sa mga nilalaman ng pagtatatag ng "Humanistic Olympics", nitong ilang taong nakalipas, lumalakas nang lumalakas ang puwersa ng Beijing sa pangangalaga sa cultural relics. Kamakailan, 18 departamento ng pangangalaga sa cultural relics ang hinilingan na pabutihin ang kondisyon ng proteksyon.
Ipinahayag ni Kong Fanchi, Puno ng Kawanihan ng Cultural Relics ng Beijing na ang pangangalaga ng Beijing sa cultural relics ay dapat lumikha ng magandang kapaligirang pangkultura para sa pagdaraos ng Olimpiyada.
May 850 taong kasaysayan ang Beijing bilang isang kapital, at lumalawak sa buong lunsod ang mga cultural relics at ancient construction, at umabot sa mahigit dalawang libo ang bilang ng mga yunit ng pangangalaga sa cultural relics. Dahil mahaba ang kasaysayan ng mga relikyang ito at ang karamihan sa kanila ay mga estrukturang panlupa at pangkahoy, madali ang iniuuka ng araw't ulan.
Noong 2000, naglaan ang Pamahalaan ng Beijing ng 330 milyong Yuan, RMB para ayusin sa tatlong taon ang mga cultural relics sa iba't ibang antas. Ang aksiyong ito ay tinawag na "proyekto ng 330 milyong RMB".
Noong unang dako ng kasalukuyang taon, muling nagsagawa ang nasabing Kawanihan ng Beijing ng pag-iimbestiga sa mga relikya sa aspekto ng pagpigil sa nakatagong panganib, at 18 cultural relics na sa ilalim ng pangangalaga ang ipinalalagay na may malubhang panganib sa aspekto ng kaligtasan at sila'y hinilingan ng pagpapabuti ng mga hakbangin para mapigilan ang panganib.
Ayon kay Yv Ping, Pangalawang Puno ng Kawanihan ng Pangangalaga sa Cultural Relics ng Beijing na:
"Sa kasalukuyan, nagbaba kami ng kautusan sa 26 na yunit na responsable sa nabanggit na 18 cultural relics na sa ilalim ng pangangalaga, at inilakip ang gawaing ito sa isa sa mga nilalaman ng gawain ng Beijing cultural relics bureau sa 2007. Pagkatapos nito, magkakasunod na tutulong kami sa kanila para gumawa ng mabisang plano sa paglutas ng mga umiiral na problema."
|