• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-06-08 19:06:34    
Pilipinas, umaasang makikinabang sa pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina

CRI

Kahapon ng hapon, kinapanayam ng delegasyon ng China ASEAN Cooperation Tour si Romulo Neri, kalihim ng NEDA o National Economic Development Authority ng Pilipinas. Sa panayam na ito, inilahad ni Neri ang kanyang palagay hinggil sa kasalukuyang kalagayan at kinabukasan ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Pilipinas at Tsina.

Unang una, binigyan ni Neri ng mataas na pagtasa ang kasalukuyang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Pilipinas at Tsina at pinasalamatan niya ang Tsina sa pagbibigay ng mga tulong na pinansyal sa Pilipinas. Sinabi niyang,

"Tuwang-tuwa ako sa pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino at kooperasyong pangkabuhayan ng dalawang bansa. Mabilis na umuunlad sa kasalukuyan ang kalakalan ng Tsina at Pilipinas at nagdudulot ito ng malaking kapakinabangan sa aming bansa. Nakikinabang din kami sa mga tulong na pinansyal na ibinibigay ng Tsina sa Pilipinas sa mga aspekto ng daam-bakal, sistemang pantubig at iba pa."

Kasunod ng mabilis na paglaki ng kalakalan ng Tsina at Pilipinas nitong ilang taong nakalipas, ang Tsina ay naging isa sa tatlong pinakamalaking trade partner ng Pilipinas. Sa mga aspekto ng kalakalan, espesyal na binigyang-diin ni Neri ang kalakalang pang-agrikultura ng dalawang bansa. Anya, 

"Mahalagang mahalaga para sa Pilipinas ang kalakalan nila ng Tsina, lalung-lalo na sa aspekto ng agrikultura. Umaasa ang Pilipinas na makakapag-angkat ng mas maraming produktong agrikultural mula sa Tsina at makakapagluwas din ng mas maraming tropikong prutas sa Tsina na natatanggap ng mga mamimiling Tsino."

Sa larangan ng kooperasyong pangkabuhayan ng Pilipinas at Tsina, ipinalalagay ni Neri na maaaring isagawa ng dalawang bansa ang kooperasyong panteknolohiya sa aspekto ng kahaliling enerhiya, makina, pangingisda at mga iba pa. Kaugnay ng kooperasyon sa enerhiyang pahalili, sinabi niya na:

"Umaasa kaming maisasagawa ang pakikipagtulungang panteknolohiya sa Tsina sa aspekto ng paggagalugad at paggamit ng bio-fuel. Dahil nagkakaroon ang Tsina ng maunlad na teknolohiya sa larangang bio-kemikal at umaasa kaming ibahagi ang teknolohiyang ito ng Tsina."

Ayon pa rin kay Neri, umaasa rin ang Pilipinas na mahihikayat ang mas maraming pamumuhunan ng Tsina sa aspekto ng mineral at konstruksyon ng mga imprastruktura na gaya ng puwerto, paliparan, pasilidad na panturista at iba pa. Anya, ito ay makakabuti sa kapwa panig at magdudulot ng win-win situation sa dalawang bansa.

Noong unang dako ng taong ito, iniharap ng panig Tsino ang isang mungkahi hinggil sa magkakasamang pagpapasulong ng kooperasyon sa Pan Beibu Gulf na lalahukan ng mga baybaying-bansa ng rehiyong ito na kinabibilangan ng Pilipinas. Positibo si Neri sa mungkahing ito. Anya,

"Sa palagay ko, ito ay isang napakagandang mungkahi at makakabuti rin sa Pilipinas. Maaring sabihing ang Pilipinas ay nasa sentro ng rehiyong ito, kaya malaki kaming makikinabang sa kooperasyong ito. Lubos na kumakatig ang Pilipinas sa mungkahing ito at magsisikap kami, kasama ng lahat ng mga may kinalamang bansa, para maging aktuwal at konkretong kooperasyon ang mungkahing ito sa lalong madaling panahon."

Bilang panghuli, sinabi ni Neri na sa kasalukuyan, mabilis at tuluy-tuloy na lumalaki ang kabuhayan ng Tsina at umaasa ang Pilipinas na masasamantala ang pagkakataong ito para makinabang sa pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina.