• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-06-11 14:19:57    
SMEs, mabilis na sumusulong sa ilalim ng pagkatig

CRI
Sinabi ni G. Dai Wei, Direktor ng Lupong Administratibo ng Zhongguancun, na ang pagpapapasok ng higit pang malaking venture capital ay isa sa mga priyoridad ng kanyang lupon sa kasalukuyang taon. Sinabi niya na:

"Bilang tagapagpasulong ng hay-tek, ang venture capital firms ay nagkakaloob ng pondo para sa pagpapasimula ng isang hay-tek na kompanya at nagkakaloob din ng sulong na modelo ng pangagasiwa."

Nitong nagdaang Enero, upang mahikayat ang mga venture capital firm sa loob at labas ng bansa na mamuhunan sa Zhongguancun, nagsapalabas ang Pamahalaang Munisipal ng Beijing ng isang bagong patakaran. Batay rito, ang pamahalaan ay maaaring mamuhunan sa mga venture capital firm, pero, hindi dapat lumampas ng 30% ng registered capital ng nasabing mga kompanya ang puhunan ng pamahalaan.

Sa pagtupad ng naturang patakaran, nakipagtulungan kamakailan ang Lupong Adminsitratibo ng Zhongguancun sa apat na venture capital firm at nagsimula ng apat na venture capital fund. Ang nasabing mga venture capital fund na nagkakahalaga ng 500 milyong Yuan RMB o mahigit 60 milyong dolyares ay inaasahang makakapagkaloob ng pagkatig sa mga bahay-kalakal sa loob ng parke na nasa yugto ng pagsisimula o pag-unlad sa larangan ng information at communications technology, integrated circuit, at iba pa.

Nagtatag din ang Lupong Administratibo ng Zhongguancun ng database para sa mga SMEs para mapagaan ang pagpili ng mga venture capital firm ng mga kinagigiliwang proyekto.

Kaugnay ng kadahilanan ng pamumuhunan ng kanyang lupon sa mga venture capital firm, sinabi ni Direktor Dai na:

"Gumaganap kami ng huwarang papel para mahikayat ang mga venture capital na mamuhunan sa mga bahay-kalakal na nasa yugto ng pagsisimula."

Ang Legend Capital ay isa sa nasabing apat na venture capital firm na nakipagtulungan sa Lupong Administratibo ng Zhongguancun. Kaugnay ng pagtutulungan ng dalawang panig sa hinaharap, sinabi ni Liu Chuanzhi, Tagapangulo ng kompanya na:

"Magandang huwaran ito ng pagtutulungan ng Lupong Administratibo ng Zhongguancun at mga venture capital firm. Tumitingkad ang lupon ng papel sa pagkakaloob ng pondo samantalang ang mga venture capital firm ay namamahala sa pagpapatakbo ng puhunan."

Napag-alamang sa kasalukuyan, halos 80 venture capital firm mula sa loob at labas ng Tsina ang namumuhunan sa Zhongguancun at salamat sa kanila at sa Lupong Administratibo, 87 bahay-kalakal sa parke ang public-listed sa loob o labas ng bansa.