XJ: Maligayang Kaarawan, Pilipinas!
Jason: Magandang magandang gabi, mga giliw na tagapakinig!
XJ: Ito po si XJ.
Jason: at si Jason.
XJ: na bumabati sa lahat ng mga Pilipino sa apat na sulok ng daigdig sa okasyon ng ika-109 na Araw ng Kalayaan ng Republika ng Pilipinas!
Jason: Sa palatuntunan sa gabing ito, bibigyan namin ng pagkakataon ang mga Pilipino sa ilang panig ng mundo para iparating ang kanilang pagbati sa inangbayan at aalamin din namin kung papaano silang nagdiriwang sa okasyong ito.
XJ: Hoy, Jason, ano ba ang iniisip mo? Mukhang engrossed na engrossed ka mangandang musikang ito, ah.
Jason: Errrr, iniisip ko lang kung ano ang kahulugan ng mahigit 100 taong kasaysayan para sa isang bayan.
XJ: Oo nga, mabigat man, makabuluhan naman ang iniisip mo. Pero, Jason, bagong nating pag-usapan ito, pabatiin muna natin ang ating mga. Bating bati na sila eh. Ang unang masuwerteng tagapakinig ay si Randolph Empredo mula sa Baguio. Tingnan natin kung ano ang masasabi niya. Randolph, pasok!
XJ: Maraming maraming salamat sa iyo, Randolph. Sinabi rin sa amin ni Randolph na gusto niyang malaman kung papaano nagse-celebrate ng Araw ng Kalayaan ang Filipino Community sa BJ sa pamamagitan ng pagkinig sa programa ng Serbisyo Filipino. Ganoon din ang kahilingan ng iba pang mga tagasubaybay. Bilang tugon, tatawagan ko na ang Consul General ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing na si Jaime Victor B. Ledda.
XJ: Jason, kaugnay ng inisip mong kahulugan ng kasaysayan ng isang bansa, meron akong isang serye ng datos.
Jason: Datos?
XJ: Oo, pakinggan mo. Ang ilaw ay tumatakbo nang 3.4 na metro bawat segundo at ang jet plane ay lumilipad nang 18 kilometro bawat minuto. Umaabot naman sa 29 na araw 12 oras at 44 na minuto ang isang paglibot ng buwan sa planetang mundo... Sana makatulong ang mga ito na sagutin ang iyong iniisip.
Jason: Errr, sa palagay ko, ang kasaysayan ng isang bansa ay landas ng pagpupunyagi para sa kalayaan at kasaganaan.
XJ: Sang-ayon ako sa iyo, gayon din si Randolph.
Jason?109 taon na ang nakakaraan sapul nang makapagtamo ang Pilipinas ng kalayaan. At ngayon, tulad ng iba pang mga bansa, nasa landas ito ng pag-unlad at matay ko mang isipin kung gaano kabilis ng pag-unlad ng isang bansa sa loob ng mahigit sandaang taon!
XJ: Totoo iyon. Masiglang sumusulong ngayon ang Pilipinas sa larangan na tulad ng kabuhayan, kalakalan at kultura. At humihigpit din ang ugnayan nila ng mga bansang dayuhan.
Jason: Kung relasyong panlabas ng Pilipinas ang pag-uusapan, hindi maaring hindi mabanggit ang ugnayang Sino-Pilipino.
XJ: Mahaba ang relasyong ito na mababakas sa ika-14 na siglo.
Jason: Oo. Pagkaraan ng mahigit 1000 taong pag-unlad, pumapasok na ito sa "ginintuang panahon" na tulad ng sinabi ng mga lider ng dalawang bansa. Sa kanyang katatapos na pagdalaw sa Chongqing at Chengdu mula ika-6 hanggang ika-7 ng buwang ito, binanggit uli ni PGMA ang phrase na ito.
Jason: Talagang di-mabibilang ang mga natamong bunga ng pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina't Pilipinas. Dapat segurong tayong maghanda ng isa pang espesyal na programa para rito.
XJ: Bukod sa mga tumawag sa telepono, meron ding mga tagapakinig na sumulat at nag-SMS. Narito ang isang liham mula sa Switzerland. Ang nagpadala ay si Manuela Bornhauser. Tingnan natin kung ano ang laman ng liham ni Manuela sa tinig ng isang kasamahan naming dito--si Sarah.
Dear Kuya Ramon,
Kumusta at happy Independence Day in advance.
Meron bang naka-schedule na activities diyan bukod sa traditional ceremonies? Alam mo pag nasa abroad ka halos hindi mo na naaalala ang Araw ng Pagsasarili natin dahil parang pangkaraniwang araw lang iyan dito.May pasok din kami sa trabaho kaya walang chance na mag-celebrate at kung minsan dumaraan ang araw na ito nang hindi namin namamalayan. Siguro sila sa embassy may celebration pero hindi naman kami kasali doon.Nami-miss ko na ang mga banderang nakasabit sa mga bintana at ang yearly float parade sa Luneta Grandstand. Sana sa bawat celebration magising ang sense of patriotism ng bawat Pilipino at hindi matapos ang celebration sa mga seremonya.
Maligayang Araw ng Kalayaan sa lahat everywhere!
Manuela Bornhauser Gachnang Switzerland
XJ: Maraming maraming salamat sa iyong liham, Manuela. Sa ngalan ng Serbisyo Filipino, maligayang Araw ng Kalayaan. Thank you, Sarah.
Jason: Sa tingin ko, sa espesyal na okasyong ito, ang pinakakarapat-dapat na bigyan ng pagpupugay ay ang sambayanang Pilipino. Kung walang pagsisikap ng bawat karaniwang mamamayan, hindi maaaring umunlad ang anumang bansa.
XJ: Totoo iyon. Jason! Talagang dapat pahalagahan ng isang pamahaan ang boses ng madla kung gusto nitong pasulungin ang bansa. Tingnan natin ang mungkahi ni Pomette Ann Sanchez mula sa Singapore.
XJ: Maraming salamat sa iyo, Pomett. Makabuluhang- makabuluhan ang iyong palagay! Katulad din ang hangarin ni Romulo De Mesa, tingnan natin.
XJ: Pero, ano naman ang dapat gawin ng mga karaniwang mamamayan? Tingnan natin ang palagay ni Happy.
Jason: Mahaba na ngayon ang listahan ng mga tagasubaybay na gustong magpahayag ng kanilang pagbati sa inangbayan. Ang maririnig ninyong tinig ay kay Colette del Rosario mula sa HK.
XJ: Maraming maraming salamat sa iyong pagbati at hangarin. Tingnan naman natin, Jason, ang ilang SMS...
Jason: Ok. Mula sa (0090)5332323137
Happy Independence Day, Kuya Ramon at maligayang bati rin sa mga kababayan at tagapakinig ng inyong programa sa loob at labas ng bansa. Let's celebrate in our own simple way!At mula naman sa 9174013194
Mabuhay and greetings para sa Kalayaan 2007! Bigyan natin ng chance ang kapayapaan para sa everlasting na kasaganaan!
XJ: Maraming maraming salamat sa inyo, mga giliw na tagapakinig! Sa espesyal na okasyong ito, sa ngalan ng Serbisyo Filipino, gusto namin kayong pasalamatan sa inyong tiwala sa amin. Patuloy kaming magsisikap para ang aming Serbisyo, ang Serbisyo Filipino, ay patuloy na gumanap ng papel bilang tulay ng pagpapalitan ng mga Pilipino sa iba't ibang lugar at pagpapalitan ng mga mamamayan ng Tsina at Pilipinas.
Jason: Ang susunod na boses ay mula sa Remaggen, Alemanya na si Rachel Truitt.
XJ: maraming maraming salamat sa iyo, Rachel.
JASON: Medyo kapos na tayo sa oras...
XJ. Sinabi mo pa.. Bilang panghuli, tunghayan natin ang boses ni Romulo Neri, Puno ng NEDA. Tingnan natin kung ano ang mensahe niya para sa okasyong ito.
XJ: Maraming maraming salamat sa iyo, G. Neri. Sasabihin namin sa mga mamamayang Tsino kung gaano kaganda at karapat-dapat na puntahan ang Pilipinas bilang tourist attraction. Buong husay na gagampanan ng lahat ng mga miyembro ng Serbisyo Filipino ang kanilang papel bilang embahador na nagbibigay-alam sa iba pang mga Tsino hinggil sa kagandahan ng Pilipinas at gayundin sa mahigpit na relasyong Sino-Pilipino.
JASON: At Nananawagan din kami rito sa mga Pilipino sa iba't ibang lugar na magsilbing embahador ng pagpapasulong ng relasyon sa pagitan ng inangbayan at kanilang kinaroroonang bansa.
XJ: Talagang wala na tayong oras. Maraming salamat sa inyong lahat sa inyong pagsalo sa amin sa gabing ito. Itong muli si XJ. Maligayang Araw ng Kalayaan!
Jason: At itong muli si Jason. Mabuhay ang Pilipinas at ang lahat ng mga tagapakinig ng CRI Serbisyo Filipino.
|