• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-06-11 14:21:10    
Hunyo ika-4 hanggang ika-10

CRI

Mula noong Miyerkules hanggang Huwebes, nagkaroon si pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas ng dalawang araw na pagdalaw sa Lalawigan ng Sichuan at Lunsod ng Chongqing sa timog kanlurang Tsina. Nakipagtagpo siya kay Du Qinglin, kalihim ng lupong panlalawigan ng Sichuan ng komite sentral ng partido komunista ng Tsina. Sinabi ni Arroyo na ang layon ng pagdalaw na ito ay para malaman ang kalagayan ng pag-unlad ng kabukayan at lipunan ng Sichuan at paggagalugad sa gawing kanluran ng bansa at pasulungin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig. Pagkatapos ng pagtagpo, lumahok pa si Arroyo sa perya ng kooperasyong komersyal ng Pilipinas at Sichuan ng Tsina at bumigkas ng talumpati. Sa Chongqing, nag-usap sina Arroyo, Wang Yang, kalihim ng komiteng panlunsod ng Chongqing ng partido komunista ng Tsina at Wang Hongju, alkalde ng Chongqin at lumahok si Arroyo sa Sino-Pilipinong fair ng kabuhayan at kalakalan. Sinabi ni Arroyo sa kaniyang talumpati sa naturang fair na lubos na pinahahalagahan ng kaniyang bansa ang plano ng paggagalugad sa gawing kanluran ng Tsina, nakahandang ang Pilipinas na magkaroon ng malawak na pagpapalitan at kooperasyon nila ng mga lunsod sa gawing kanluran ng Tsina.

Mula noong Miyerkules hanggang Sabado, isinagawa ng delegasyon ng mga mamamahayag ng China-ASEAN Cooperation Tour ang mga panayam sa Pilipinas. Kinapanayam noong Miyerkules ng delegasyon si Deng Xijun, charge de'affairs ng Tsina sa Pilipinas. Sa panayam na ito, isinalaysay ni Deng ang mainam na tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino, kasalukuyang pagdalaw sa Tsina ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas, kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangan ng agrikultura, kabuhayan, kalakalan at iba pa. Binigyan din niya ng positibong pagtasa ang kasalukuyang biyahe ng naturang delegasyon sa Pilipinas. Kinapanayam noong Huwebes ng delegasyon si Romulo L. Neri, kalihim ng NEDA o National Ecnomic Development Authority ng Pilipinas. Sa panayam, sinabi ni Neri na lumalaki na taun-taon ang pagpapalitang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Pilipinas at Tsina at maaliwalas ang kinabukasan ng kooperasyon ng dalawang bansa sa yaman at enerhiya, paggagalugad sa yamang panturista at iba pang larangan. Ipinahayag din niya na masagana ang yamang mineral ng Pilipinas, sinasalubong na kanyang bansa ang mga bahay-kalakal na Tsino na mamuhunan, magkasamang maggalugad ng yaman, at isagawa ang konstruksyon ng imprastruktura. Bukod dito, ipinalalagay ni Neri na may malawakang kinabukasan naman ang dalawang bansa sa paggagalugad ng yamang panturista. Kinapanayam noong Biyernes ng delegasyon si Jose De Venecia Jr., Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Pilipinas. Sinabi ni De Venecia na sa kasalukuyan, nagiging isang growth engine sa ASEAN ang Tsina, at walang humpay na lumalawak ang larangan ng kanilang kooperasyon. Nang mabanggit ang relasyon ng Tsina at Pilipinas, sinabi niyang ang paglaki ng kalakalan ng Pilipinas at Tsina ay pinakamabilis sa mga bansa sa Timog Silangang Asya. Noong Sabado, idinaos sa Maynila ang bangkete bilang pagdiriwang sa ika-32 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas at ika-6 na Filipino-Chinese Friendship Day na nilahukan nina pangalawang pangulong Noli De Castro ng Pilipinas, charge d'affaires Deng Xijun ng Tsina sa Pilipinas at ng mga personahe mula sa iba't ibang sirkulo at Chinese Community sa Pilipinas.

Opisyal na isinaoperasyon kamakailan ang tanggapan ng Singapore Dahua Bank sa Shenyang--uang tanggapan ng bangkong ito sa rehiyong Hilagang Silangan ng Tsina. Napag-alamang ito ang ika-8 tanggapan ng Dahua Bank sa Tsina. Hanggang sa kasalukuyan, sumaklaw na ang tanggapan ng bangkong ito sa mga pangunahing rehiyong pangkabuhayan ng Tsina. Bukod dito, isinasagawa ng naturang bangko ang mga gawaing preparatoryo para sa pagbabago ng tanggapan nito sa Tsina na maging sa corporate bank, at may pag-asang bubukas ang negosyo ng RMB sa ika-4 na kuwarter ng taong ito.

Binuksan noong Enero sa Kunming, punong lunsod ng Yunnan ang porum ng Yunnan at Myanmar hinggil sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan na magkasamang inihandog ng samahan ng mga mangangalakal ng lalawigang Yunnan, Tsina at Union of Myanmar Federation of Chambers of Commerce and Industry, UMFCCI. Bababalik-tanaw sa porum na ito ng mga bunga ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Yunnan at Myanmar, isasalaysay ang kapaligiran ng pamumuhunan at pakikitungong pangkooperasyon ng Myanmar, tatalakayin ang pangunahing hadlang sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig atang paraan para lutasin ang mga ito, hahanapin ang ideya at paraan para ibayo pang palawakin ang kanilang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan. Sa nasabing porum, ipinahayag ni Kyi Kyi Sein, Counsellor ng Myanmar sa Tsina na nitong ilang taong nakalipas, lumaki nang malaki ang pamumuhunan ng Tsina sa Myanmar, at sinasalubong ng kanyang bansa na makipagkooperasyon ang Tsina sa Myanmar sa aspekto ng teknolohiya at pamumuhunan.

Ipinahayag noong Martes sa Bandar Seri Begawan ng Brunei ni Tong Xiaoling, embahador ng Tsina sa Brunei na ang relasyon ng Tsina at Brunei ay huwaran para sa pantay na pantay na pakikipamuhayan ng mga malaki at maliit na bansa. Nang kapanayamin siya ng grupo ng mga mamamahayag ng China-ASEAN Cooperation Tour, sinabi ni Tong na sapul nang itatag ng Tsina at Brunei ang relasyong diplomatiko nitong 15 taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang bilateral na relasyon. Sa hinaharap, palalakasin ng dalawang panig ang pagtutulungan sa larangan ng enerhiya at komunikasyon at patuloy na palalawakin ang pagtutulungan sa larangan ng kalusugan, edukasyon, kultura at iba pa para patibayin ang pundasyon ng pagtutulungan ng dalawang panig.

Ipinahayag noong isang linggo sa Jakarta, kabisera ng Indonesiya, ni Ong Keng Yong, pangkalahatang kalihim ng ASEAN, na ang ekspo ng Tsina at ASEAN na idinaos sa Guangxi ng Tsina ay nagpaikli ng agwat ng dalawang panig. Sinabi niya sa grupo ng mga mamamahayag ng paglalakbay na pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN na makikinabang ang dalawang panig sa ekspo at dapat koordinahin ng dalawang panig ang mga may kinalamang patakaran para paunlarin ang kanilang relasyon.

Sinabi noong Martes sa Kunming, punong lunsod ng Yunan ng Tsina, ni Xu Yousheng, pangalawang puno ng tanggapan ng suliranin ng overseas Chinese ng pamahalaang Tsino, na ang lubos na pagpapatingkad ng espesyal na bentahe ng mga negosyanteng Tsino sa ibayong dagat ay nakakabuti sa pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at ASEAN. Mahigit 270 puno ng mga samahan ng Overseas Chinese at negosyanteng Tsino sa ibayong dagat na galing sa 18 bansa at rehiyon ang lumahok sa ika-5 ng pulong ng promosyon ng proyekto ng pamumuhunan ng mga negosyanteng Tsino sa ASEAN sa Timog Kanlurang Tsina at porum ng mga negosyanteng Tsino sa Asiya-Pasipiko na magkasamang idinaos ng tanggapan ng suliranin ng overseas Chinese at pamahalaan ng Yunnan ng Tsina. Sinabi ni Xu na ang kabuhayan ng mga ethnic at overseas Chinese ay mahalagang bahagi ng kabuhayan ng iba't ibang bansa ng ASEAN at nagpapatingkad ang mga negosyanteng Tsino sa ASEAN ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan ng dalawang panig.

Sa paanyaya ni pangalawang pangulo Zeng Qinghong ng Tsina, dumating noong Miyerkules ng Beijing si pangalawang pangulo Muhammad Jusuf Kalla ng Indonesia para sa kanyang 5 araw na opisyal na pagdalaw sa Tsina. Sa panahon ng kanyang pagdalaw, magkakahiwalay na kinatagpo at kinausap si Kalla nina tagapangulong Wu Bangguo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan, premyer Wen Jiabao at pangalawang pangulo Zeng Qinghong ng Tsina.

Ang kauna-unahang symposium ng pandaigidig na relief work ng mga sandatahang lakas ng ASEAN, Hapon, Timog Korea at Tsina o 10+3 ay ipininid noong Huwebes sa Shijiazhuang, Hilagang lunsod ng Tsina. Ito ay kauna-unahang pagtalakay ng mga tropa ng 10+3 hinggil sa pandaigdig na relief work. Ang nilalaman ng 5 araw na symposium ay kinabibilangan ng patakaran at paninindigan ng mga sandatahang lakas ng iba't ibang bansa, mekanismo ng pagkokoordinahan at pamumuno ng tropa at lokal na pamahalaan, paraan ng pamumuno at pag-oorganisa sa relief work at konstruksyon ng mekanismo ng batas. Nanawagan sa symposium ang lahat ng mga kalahok na kinatawan na itatag ang isang nagkakaisang pandaigdig na mekanismo ng pagkokoordinahan ng relief work sa balangkas ng 10+3 sa lalong madaling panahon.