• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-06-11 17:48:56    
Tsina at Pilipinas, ipinagdiwang ang Friendship Day

CRI
Noong ika-9 ng Hunyo ay ika-32 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas at ika-6 na Filipino-Chinese Friendship Day.

Bilang paggunita sa okasyong ito, inihantog kagabi sa Maynila ang isang bangkete ng FFCCCI o Federation of the Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry na nilahukan nina pangalawang pangulong Noli De Castro ng Pilipinas, charge d'affaires Deng Xijun ng Tsina sa Pilipinas at ng mga personahe mula sa iba't ibang sirkulo at Chinese Community sa Pilipinas.

Sa kanyang talumpati sa bangkete, nang mabanggit ang relasyon ng Pilipinas at Tsina at ang pag-uugnayan ng kanilang mga mamamayan na may mahabang kasaysayan, nagkuwento si pangalawang pangulong De Castro ng kanyang karanasan sa kabataan sa kanyang lupang-tinupuan. Anya,

Bumigkas din ng talumpati sa bangkete si charge d'affaires Deng Xijun. Kaugnay ng kahalagahan ng kooperasyong Sino-Pilipino, sinabi niyang,

"Ang pagpapatatag ng kooperasyong pangkaibigan ng Tsina at Pilipinas ay hindi lamang magdudulot ng kapakinabangan sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng dalawang bansa at pamumuhay ng kanilang mga mamamayan, kundi makakabuti rin sa katatagan, kapayapaan at kaunlaran ng rehiyong ito at buong daigdig."

Sinabi rin ni Deng na ang relasyong Sino-Pilipino ay parang puno na iyong pinatanimang lupa ay dapat patubigan at linangin para lumaki ang puno at magkabunga.

Bilang isang Tsinoy, binanggit sa kanya namang talumpati ni pangulong John Tan ng FFCCCI ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Sinabi niyang,

"Laging nagtutulungan ang mga mamamayang Pilipino at Tsino para sa mga komong target at mutuwal na kapakinabangan. Isinagawa nila ang mga kooperasyon sa mga aspekto ng negosyo, edukasyon, kultura at iba pa at malaki nitong napasulong ang relasyon ng dalawang bansa."

Nang kapanayamin ng mamamahayag pagkatapos ng bangkete, ipinahayag din ni De Castro ang kanyang pananalig sa kinabukasan ng relasyong Sino-Pilipino. Anya,