Dear Filipino Service,
Sana okay lang kayo diyan. Okay din ang mga Pilipino dito. Nagagamit din ang mga talent nila. Iyong iba, gunting at suklay ang hawak. Iyong iba, gunting at tape measure. Iyong iba naman, walis at basahan.
Dati ayaw maniwala ang mga friend ko dito na ininterbiyu ninyo ako sa phone. Pero gulat na gulat sila nang marinig ang tape ng program at narinig nila ang voice ko at voice ni Ramon Jr. Malakas ang dating ng programang ito kasi gusto ng lahat na marinig ang boses nila at interesado silang makibalita sa mga kababayan na nasa ibang lugar.
Hindi ako talagang mahusay magluto. Konti lang ang alam ko. Pero nagkainteres ako sa inyong Cooking Show. Nauuso rin kasi dito ang Chinese. Gumagamit din kami ng chopsticks paminsan-minsan. Ngayon, nagluluto na rin ako ng Chinese foods. Galing sa Cooking Show ninyo ang mga recipe.
May mga Chinese din dito ngayon na nagsa-survey. Tinitingnan nila ang prospect ng pagtatayo ng business dito. Sa totoo lang, marami nang Chinese shops dito na nagbebenta ng mga items na galing sa Mainland.
Binigyan ako ng friend ko ng Chinese recipe. Galing siya sa Singapore. Kung gusto ninyo isi-share ko sa inyong Cooking Show by phone.
Hindi lang ang mga programs ninyo kung Friday, Saturday at Sunday ang pinakikinggan ko. Nakikinig din ako sa inyong Balita, Usap-Usapan, at mga special feature programs.
Magpapadala ako ng reception report next week.
Take care.
Manny Bornhauser Gachnang, Switzerland
|