Di kalayuan sa Kalyeng Porselana, may isang tinatawag na Eskinitang Longgang. Ang longgang ay isang malaking tapayan ng tubig na niyari sa hurno ng imperyal na hurno sa Jingdezhen noong panahong piyudal.
Ang ganitong tapayan ay niyari dito para lamang sa korte-imperyal sa pagsugpo ng sunog. Ang labas ng ganitong tapayan ay may desenyong barelib na dragon. Sa wikang Tsino, ang "long" ay nangangahulugang dragon at "gang" ay tapayan. Kaya, tinawag itong longgang. Ang dragon ay simbolo ng emperador sa panahong piyudal.
May isang malaking longgang ang nakadisplay ngayon sa exhibition hall ng Porcelian Archaeology Research Institute sa lunsod ng Jingdezhen. Sinabi ng direktor ng exhibition hall na si Mr. Xiao Peng na,
"Ang nakikita natin ngayon ay ang malaking asul at puting porselanang tapayang may disenyong dragon na niyari noong panahon ni Zhengtong ng Dinastiyang Ming (1436-1449) Ang tiyan ng tapayan ay ginuhitan ng dalawang dragong nagtataboy ng perlas, ang itinataboy ay perlas ng apoy na nangangahulugang itinataboy ang apoy."
Mangyari pa, makikita sa maraming eskinita sa Jingdezhen ang paggamit ng mga hurno sa paggawa ng mga ladrilyo, paggamit ng pira-pirasong porselana sa pagtatayo ng pader at paglatag ng daan. Kahit na sa kalauna'y espaltado na ang mga kalye, pero kinikilala pa rin ng mga tao ang pakahulugang kultural ng porselana. Sinabi ni Mr. Bai Guanghua, pangalawang puno ng Minyao Museo ng Jingdezhen na,
"Katangi-tangi ang lugar ng Jingdezhen na magpahanggang ngayo'y mayroon pang mga lumang talyer,lumang hurno at may maraming arkitekturang yari sa ladrilyo sa loob ng mga eskinita. Ito'y mahalagang bahagi ng pamanang kultural ng Jingdezhen at may masaganang katuturang kultural ng porselana."
|