|
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa espesyal na edisyon ng Dear Seksiyong Filipino 2007.
Ang mga liham na bibigyang-daan natin ngayong gabi ay padala nina Manny Bornhauser ng Gachnang, Switzerland at Tess Agbayani ng New Territories, Hong Kong. Sabi ni Manny:
Dear Filipino Service,
Sana okay lang kayo diyan. Okay din ang mga Pilipino dito. Nagagamit din ang mga talent nila. Iyong iba, gunting at suklay ang hawak. Iyong iba, gunting at tape measure. Iyong iba naman, walis at basahan.
Dati ayaw maniwala ang mga friend ko dito na ininterbiyu ninyo ako sa phone. Pero gulat na gulat sila nang marinig ang tape ng program at narinig nila ang voice ko at voice ni Ramon Jr. Malakas ang dating ng programang ito kasi gusto ng lahat na marinig ang boses nila at interesado silang makibalita sa mga kababayan na nasa ibang lugar.
Hindi ako talagang mahusay magluto. Konti lang ang alam ko. Pero nagkainteres ako sa inyong Cooking Show. Nauuso rin kasi dito ang Chinese. Gumagamit din kami ng chopsticks paminsan-minsan. Ngayon, nagluluto na rin ako ng Chinese foods. Galing sa Cooking Show ninyo ang mga recipe.
May mga Chinese din dito ngayon na nagsa-survey. Tinitingnan nila ang prospect ng pagtatayo ng business dito. Sa totoo lang, marami nang Chinese shops dito na nagbebenta ng mga items na galing sa Mainland.
Binigyan ako ng friend ko ng Chinese recipe. Galing siya sa Singapore. Kung gusto ninyo isi-share ko sa inyong Cooking Show by phone.
Hindi lang ang mga programs ninyo kung Friday, Saturday at Sunday ang pinakikinggan ko. Nakikinig din ako sa inyong Balita, Usap-Usapan, at mga special feature programs.
Magpapadala ako ng reception report next week.
Take care.
Manny Bornhauser Gachnang, Switzerland
Salamat, Manny, sa iyong sulat at ganoon din sa iyong pagpapahalaga sa aming mga programa. Sana hindi ka magsasawa ng pakikinig sa amin. Thank you uli and God love you.
Bago tayo dumako sa pangalawang liham, tunghayan muna natin ang mga mensaheng SMS n gating textmates.
Mula kay Roxanne Rombawa ng 919 648 1939: "Isang pagbati para sa June 12, Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas. Mabuhay ang sambayanang Pilipino!"
Mula kay Manuela ng 917 401 3194: "Happy Filipino-Chinese Friendship Day! Chinese and Philippines, magkatuwang sa kaunlaran."
Mula naman kay Sumilah ng 0086 1350 129 4422: "Long live, Philippine Independence!"
Tunghayan naman natin ang liham ni Ren Agbayani ng New Territories, Hong Kong. Sabi ng kaniyang sulat:
Dear Filipino Service,
Hello sa inyong lahat at sa mga kababayan sa Beijing. May nakapagsabi sa akin na maganda rin daw ang signal ninyo sa Tianjin at Kunming kaya iyung mga kababayan dun e kuntodo tutok din sa inyo sa gabi.
Tama rin naman na bigyan ninyo ng ads ang relasyon ng Pilipinas at China. Dahil, in the first place, magkapitbahay naman ang dalawa at dati na tayong may relasyon sa China kaya nga maraming Pilipino ang may dugong Chinese.
Ang Boao Forum ay ginanap last April pero ang epekto nito sa Pilipinas ay nararamdaman pa hanggang ngayon at sa tingin ko patuloy pang mapi-feel ng mga Pilipino for sometime.
Marami kaming napupulot sa inyong mga programa: impormasyon tungkol sa China, balitang pandaigdig, magagandang lugar sa China, bagay tungkol sa buhay ng mga Chinese, lutuing Chinese Chinese songs, magagandang SMS at magagandang payo. Huwag nang banggitin dito ang inspirasyon na naibibigay ninyo sa amin.
Maganda ang feature story ninyo tungkol sa Chinese tigers na on the verge of extinction. Parang panda rin. Dapat talagang pagtuunan ito ng pansin dahil, kung hindi, maaring mabawasan ang magaganda at pambihirang lahi ng hayop sa mundo.
Nataypan ko rin ang feature stories ninyo tungkol sa mga young entrepreneurs ng China. Maganda silang halimbawa sa mga Pilipino na gustong mag-venture sa negosyo.
Ayos talaga ang dating sa amin ng inyong programs kaya pilitin ninyong ma-maintain ito sa air at dagdagan pa ang oras kung maari.
Kaming lahat ay nagbibigay ng support sa inyo para sa inyong success.
Always, Ren Agbayani New Territories Hong Kong
Naku, Ren, napakaganda ng tinuran mo. Iyan ay patunay na talagang sinusundan mo ang mga programa namin. Alam na alam mo ang mga detalye, e. Sana ipagpatuloy mo ito at hihintayin namin ang susunod mong sulat. God bless, Ren.
Kung nakikinig ka, Manny, tawagan mo nga ako sa telepono. Meron akong mahalagang bagay na gustong sabihin sa iyo.
I am very sorry, hanggang dito na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|