Kasabay ng mabilis na pag-unlad ng mga pribadong bahay-kalakal, nagsisilbi ngayong pangunahing tsanel ng hanap-buhay ang mga ito.
Mula taong 2001 hanggang 2006, umabot mula sa 5 hanggang anim na milyon ang nalilikhang bagong trabaho ng nasabing mga bahay-kalakal bawat taon na halos katumbas ng 3/4 ng bagong dagdag na trabaho ng buong bansa.
Sa Tsina, ang lahat ng mga non-public ownership enterprise ay kabilang sa mga pribadong bahay-kalakal. Hanggang katapusan ng taong 2006, lampas na sa 30 milyon ang bilang ng ganitong mga kompanya.
Si Gng. Li Lanyun ay isang residenteng lokal mula sa Tianjin, isang munisipalidad sa dakong hilaga ng Tsina at natanggal siya noong 1994.
Pagkaraan ng ilang taong pagsisikap, nagbukas siya ng sariling kompanya ng home economics. Kilala ngayon si Gng. Li bilang isang matagumpay na mangangalakal. Sinabi niya na:
"Mahigit 600 laid-off workers ang muling nagkahanap-buhay sa aming kompanya. Makakalikha kami ng mas marami pang trabaho para sa ganitong mga manggagawa."
Nitong ilang taong nakalipas, upang matulungan ang mga empleado na tulad ni Gng. Li upang muling magkaroon ng trabaho o maging self-employed, maraming isinasagawang hakbangin ang mga pamahalaan ng Tsina sa iba't ibang antas na tulad ng pagbubukas ng employment service center, pagkakaloob ng minicredit at pagpapairal ng mga paborableng patakaran kaugnay ng paggamit ng lupa, pagpaparehistro ng mga bagong kompanya, pagbabayad ng buwis at iba pa.
|