• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-06-18 18:28:34    
Hunyo ika-11 hanggang ika-17

CRI
Noong Martes ay ika-109 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Bilang pagbati sa okasyong ito, nagpadala ng mensahe si pangulong Hu Jintao ng Tsina sa kanyang counterpart na Pilipino na si Gloria Macapagal Arroyo. Sa mensahe, binigyan ni Hu ng mataas na pagtasa ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Pilipinas nitong ilang taong nakalipas. Sinabi rin niya na ang pagpapasulong ng relasyong Sino-Pilipino na may pagtitiwalaan at pagpapalalim ng kanilang estratehikong kooperasyon ay hindi lamang angkop sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi makakabuti rin sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon. Nakahanda anya ang Tsina na magsikap, kasama ng Pilipinas, para ibayo pang mapasulong ang relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa. Nagpadala naman ng mensaheng pambati si ministrong panlabas Yang Jiechi ng Tsina kay Alberto Romulo, kalihim sa suliraning panlabas ng Pilipinas.

Nakipagtagpo noong Miyerkules sa Beijing si Xu Jialu, pangalawang tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, sa dumalaw na ministro ng kultura at tele-komunikasyon ng Biyetnam.

Nakipagtagpo noong Huwebes sa Beijing si Cui Tiankai, asistenteng ministrong panlabas ng Tsina, sa delegayon ng mga kabataang civil servant ng ASEAN. Sa kaniyang pakikipagtagpo, sinabi ni Cui na aktibong tinutupad ng Tsina at mga bansang ASEAN ang plano ng pagpapalitan ng kanilang mga kabataan na itnakda ng mga lider ng dalawang panig. Sa darating na 5 taon, aanyayahan ng Tsina ang 1000 kabataan ng ASEAN na dumalaw sa Tsina. Ang mga kabataan ay pag-asa at hinaharap ng Asya at ang plano ng pagpapalitan ng Tsina at ASEAN ay nagsisilbing isang bahagi ng komprehensibong kooperasyon ng dalawang panig. Magkakasunod na ipinahayag ng mga kasapi ng delegasyon na malalim at pangmalayuan ang katuturan ng planong ito at umaasa silang pangmatagalang igigiit ang naturang plano.

Ayon sa datos na isiniwalat noong isang linggo sa diyalogo ng mga komersyal na opisiyal ng ilang bansang ASEAN at mga puno ng iba't ibang panig ng Pan-Pearl River Delta sa Changsha, isang lunsod sa gitna ng Tsina na mabilis ang pag-unlad ng kalakalan ng Pan-Pearl River Delta at ASEAN, at ito ay mahalaga sa relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN. Ayon sa salaysay ni Guo Yan, kunsul ng departmento ng Asian Affairs ng ministring panlabas ng Tsina, noong isang taon, umabot sa 160.8 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN at lumaki nang 15 ulit kumpara sa 15 taong nakalipas. Bukod dito, mabilis din ang pag-unlad ng kooperasyon ng Pan-Pearl River Delta at ASEAN sa turismo.

Kinatagpo noong Martes sa Nay Pyi Taw, kabisera ng Myanmar, ni Thein Sein, unang pangkalahatang kalihim ng lupon ng pambansang kapayapaan at pag-unlad ng Myanmar at nanunuparang puong ministro ng Myanmar, ang delegasyon ng samahan ng ASEAN ng Tsina na pinamumunuan ni Gu Xiulian, tagapangulo ng samahan ng ASEAN ng Tsina at pangalawang tagapangulo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, NPC. Ipinahayag ng dalawang panig na nakahanda silang patuloy na palakasin ang pagpapalitan at kooperasyon ng Tsina at Myanmar sa iba't ibang larangan at sa iba't ibang antas para pasulungin ang katatagan at pag-unlad ng kanilang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon.

Dumating noong Miyerkules ng Beijing ang isang delegasyong binubuo ng 92 kabataang public servant ng Asean para lumahok sa proyekto ng pagpapalitan ng mga kabataang public servant ng Tsina at Asean at simulan ang 8-araw na pagdalaw sa Tsina. Idinaos ang proyektong ito para ipatupad ang kinauukulang diwa ng magkasanib na pahayag ng commemorative summit ng Tsina at Asean, at ito ay naglalayong mapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga kabataan ng Tsina at Asean sa iba't ibang larangan, lalong lalo na mapalakas ang pagpapalitan at pag-uugnayan ng mga kabataang public servant.