Mga sangkap
200 gramo ng sariwang scallop 150 gramo ng taba ng baboy 1 puti ng itlog 20 gramo ng pea sprouts 10 gramo ng shaoxing wine 5 gramo ng asin 2 gramo ng vetsin 10 gramo ng scallions 6 gramo ng luya 1 gramo ng pamintang durog 3 gramo ng cornstarch 5 gramo ng sesame oil
Paraan ng pagluluto
Durugin ang scallion at luya at ibabad sa 30 gramo ng tubig sa loob ng 10 minuto. Pagkatapos, alisan ng scallion at luya ang katas para gumawa mamaya.
Gamitin ang scallop at taba ng baboy para gumawa ng pasta. Buhusan ng katas ng scallion at luya at 5 gramo ng shaoxing wine at lagyan ng 2 gramo ng asin, 1 gramo ng vetsin, puti ng itlog, cornstarch, pamintang durog, katapos, haluing mabuti.
Ibuhos sa kaserola ang 750 gramo ng tubig. Gawing hugis bola ang pasta ng scallop at taba at ilagay sa tubig. Pakuluin sa malakas na apoy ang tubig sa loob ng 2 minuto. Lagyan ng nalalabing asin at vetsin at ang pea sprouts. Wisikan ng sesame oil at isilbi.
Katangian: maliwanag ang sopa at puti ang bola ng scallop.
Lasa: napakasarap.
|