Pagkatapos ng "proyekto ng 330 milyong RMB", mula noong 2003, sinimulang isagawa ng Beijing ang "plano ng pangangalaga sa cultural relics para sa humanistic Olympics" na ang kabuuang laang-gugulin nito ay umabot sa 600 milyong Yuan, RMB, para ibayo pang mapataas ang kalidad ng pangangalaga ng mga may kinalamang departamento sa cultural relics.
Sinabi ni Kong Fanchi, Puno ng Beijing Cultural Relics Bureau na ang pangangalaga sa cultural relics ay dapat lumikha ng magandang kapaligirang pangkultura para sa gagawing 2008 Beijing Olympics. Sinabi niya na:
"Sa kasalukuyan, ang paglutas sa mga grabeng panganib sa seguridad ng mga departamento ng pamana, ay may espesyal na katuturan. Ang naturang mga problema ay ganap na hindi magkatugma sa kasalukuyang kapaligiran ng Beijing at sa kalagayan ng gagawing Olympics, kaya dapat isagawa ang mga hakbangin para malutas ang mga ito sa lalong madaling panahon."
Sa ilalim ng puspusang pagsisikap ng mga may kinalamang departamento, kapansin-pansin ang naging bunga ng pangangalaga ng Beijing sa cultural relics. Bukod dito, ipinalalagay ni Yv Ping, Pangalawang Puno ng nasabing kawanihan na ang pangangalaga sa cultura relics ay hindi lamang nangangailangan ng pagsisikap ng mga departamento ng Pamahalaan, kundi nangangailangan pa ito ng pakikilahok ng mga mamamayan. Sinabi niya na:
"Una, kasunod ng pag-unlad ng kabuhayan nitong ilang taong nakalipas, may kakayahan ang mga tao at kakayahang pinansiyal ang estado para sa paglaan ng mas maraming pondo sa pangangalaga sa cultural relics; Ikalawa, sa palagay ko, nagkaisa ang mga mamamayan at buong lipunan ng palagay na ang pangangalaga sa cultural relics ay isang responsibilidad ng kasaysayan at ng buong lipunan sa halip ng mga departamento ng pamana lamang."
|