• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-06-25 10:13:53    
Hunyo ika-18 hanggang ika-24

CRI

Nakipagtagpo noong Lunes sa Beijing si premyer Wen Jiabao ng Tsina kay Alberto Romulo, dumalaw na kalihim sa suliraning panlabas ng Pilipinas. Nagsimula si Romulo ng kanyang pagdalaw sa Tsina sa paanyaya ni ministrong panlabas Yang Jiechi ng Tsina. Nauna rito, nag-usap ang dalawang ministrong panlabas at buong pagkakaisang ipinahayag ng dalawang panig na nakahandang pasulungin ang pag-unlad ng bilateral na relasyon. Sa pagtatagpo, sinabi ni Yang na ang relasyon ng Tsina at Pilipinas ay nasa pinakamabuting panahon ng komprehensibong pag-unlad. Lalo pang lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang panig, masiglang umuunlad ang kooperasyon sa iba't ibang larangan, at nagpapanatili ng mainam na koordinasyon at kooperasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Ipinahayag niyang nakahanda ang Tsina na pasulungin, kasama ng Pilipinas, ang estratehikong partnership ng dalawang bansa para walang humpay na matamo ang bagong bunga. Sinabi ni Romulo na ang madalas na pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa ay may mahalagang papel para sa pagpapalalim at pagpapalawak ng relasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag niyang nakahanda ang Pilipinas na magsikap kasama ng Tsina para magbigay ng ambag sa kapayapaan, pag-unlad at kasaganaan ng rehiyon. Ipinahayag din niyang buong tatag na nananangan sa patakarang isang Tsina. Nagpalitan din ang dalawang panig hinggil sa porum ng rehiyon ng ASEAN at iba pang isyung kapuwa nila pinahahalagahan.

Ipinahayag noong Lunes sa Beijing ni Luo Gan, pirmihang kagawad ng pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, na nakahanda ang Tsina na magkasamang magsikap, kasama ng Biyetnam, para walang humpay na magbukas ng bagong larangan ng pagpapalitang pangkaibigan at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan. Sa kaniyang pakikipagtagpo kay Truong Vinh Trong, pangalawang punong ministro at kagawad ng pulitiburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam, mataas na pinahahalagahan ni Luo ang relasyon ng dalawang partido at dalawang bansa. Sinabi niya na sa kasalukuyan, nananatiling mabuti ang tunguhin ng pag-unlad ng kanilang relasyon, madalas ang pagdadalawan sa mataas na antas ng dalawang bansa at patuloy na pinalalalim ang pagpapalitan at kooperasyon sa iba't ibang larangan. Ipinahayag pa niya na nakahanda ang Tsina na magkasamang magsikap, kasama ng Biyetnam, para malalim na tupdin ang mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa. Sinabi ni Truong na lubos na pinahahalagahan ng partido at pamahalaan ng Biyetnam ang ibayo pang pagpapalakas ng relasyon ng dalawang partido at dalawang bansa at patuloy na tutupdin ang komong palagay na narating ng pinakamataas na lider ng dalawang partido at pahihigpitin ang pagpapalitan ng dalawang panig sa iba't ibang larangan.

Ipininid noong Huwebes sa Bandar Seri Begawan, kabisera ng Brunei, ang 2 araw na ika-2 pulong ng ASEAN-China People-to-People Friendship Organization. Nilagdaan ng mga kalahok na kinatawan ang Plano para sa Pagsasakatuparan ng Deklarasyong Pangkooperasyon ng ASEAN-China People-to-People Friendship Organization para palalimin at pahigpitin ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN at pasulungin ang pagpapalitan at kooperasyon ng dalawang panig. Ayon sa naturang plano para sa taong 2007 hanggang taong 2012, aaksyon ang mga People-to-People Friendship Organization ng Tsina at mga bansa ng ASEAN para mapanatili ang regular na pag-uugnay at pagdalaw ng iba't ibang organisasyon ng dalawang panig at itatag ang pag-uugnay nila sa hot-line. Sa seremonya ng pagbubukas ng pulong na ito, sinabi ni Gu Xiulian, pangalawang tagapangulo ng pirmihang lupon ng pambansang kongresong bayan ng Tsina, direktor ng samahan ng ASEAN ng Tsina na nitong ilang taong nakaraan, walang humpay na lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, diyalogo at pagpapalitan, kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at ASEAN. Sinabi ni Gu na umaasa siyang sa pamamagitan ng pulong na ito, ibayo pang palalakasin ang pakikipagpalitan ng Tsina sa mga pangkaibigang organisasyon ng ASEAN, pasusulungin ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, palalakasin ang diyalogo at kooperasyoon sa pagitan ng mga mamamayan ng dalawang panig. Ipinahayag pa niyang nakahanda ang samahan ng ASEAN ng Tsina na walang humpay na magsikap kasama ng mga pangkaibigang organisasyon ng ASEAN para maging mas mabuti ang kinabukasan ng Tsina at ASEAN.