Salamat sa lahat ng mga kaibigan sa Europe na nagpadala ng greeting cards para sa Filipino-Chinese Friendship Day at Philippine Independence Day. Mabuhay and God Bless.
Incidentally, ang long-distance voice natin ay mula sa Europe, tinig ni Rachel Truitt ng Remagen, Germany.
Sabi niya nauuso na raw ngayon sa Europe ang mga bagay na Chinese at marami na ring Europeans ang nagiging curious sa China. Naniniwala siya aniya na malaki ang nagagawa ng CRI sa pagpapakilala ng China sa Europe, in general at Germany, in particular. Maski aniya mga kababayan sa Europe excited na makinig sa Filipino Service.
Dahil nga sa dumarami aniya ang mga kababayan sa Europe na nahuhumaling sa mga programa ng CRI Filipino Service, sa kanilang pag-uusap-usap, may mga nag-i-introduce ng idea ng pagtatatag ng Filipino Listeners Club sa Europe. Wala aniyang masama rito at malaki pa nga ang maitutulong nito sa pagpapalaganap ng mga programa ng Serbisyo Filipino.
Isa si Rachel sa madalas na panauhin ng aming Olympic hotline. Mahilig siyang makipagpalitan ng kuru-kuro hinggil sa iba't ibang isyu at gusting-gusto niya ang aming mga interactive program.
Sabi ni Rachel noong nakaraang Olympics nasa Greece siya at sa darating na Olympics naman nasa Beijing siya. Kung saan daw may Olympics naroon siya. Ito raw ang ginagamit niyang excuse para makapunta sa iba't ibang bansa.
Iyan ang ating long-distance voice para sa edisyong ito ng DSF, tinig ni Rachel Truitt ng Remagen, Germany.
Tingnan naman natin ang mga mensahe ng ating textmates:
Mula sa 919 426 0570: "Better late than never! Happy Filipino-Chinese Friendship Day!" Mula sa 919 302 3333: "Welcome sa Sino-Asean Friendship Tour! At mula naman sa 921 378 1478: "Sana nag-enjoy ang Chinese media delegations sa kanilang Philippine visit!"
Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig dito sa Dear Seksiyong Filipino. Ang sulat na bibigyang-daan natin ngayong gabi ay padala ni Minnie Pacheco ng Cebu City. Sabi ng kaniyang liham:
Dear Kuya Ramon,
Babatiin sana kita ng magandang Gabi ng Musika kaya lang baka hindi mo ito basahin dun dahil parang mahaba. Anyway, kumusta sa iyo at sa lahat ng mga kasamahan mo sa Filipino Service.
Okay ba naman ang celebration ng Filipino-Chinese Friendship Day diyan sa Beijing? Eh, yung celebration ng Independence Day magarbo ba? May celebration din dito pero malayo sa lugar namin. Dapat naman lang silang mag-celebrate dahil may dapat ipag-celebrate. Ang China ngayon ay isa na sa nangungunang trade partners ng Pilipinas at ang pagpapalitan ng dalawang bansa ay umabot na sa record high. Dati nga pang-komersiyo lang ang dealings ng both sides. Ngayon, ultimo sports meron na ring cooperation at pati larangan ng crime busting at drug control.
Maganda sana, kuya, magsama-sama sa Maynila ang listeners from all over the Philippines at magkani-kaniya ng luto ng mga natutuhang putahe sa iyong Cooking Show.
Nakaplano akong magpunta sa Beijing next year para sa Olympic games at para ma-meet kayo diyan sa CRI. May mairi-recommend ka bang hotel na katamtaman lang ang presyo ng accommodation?
Sana matuto ang mga Filipino athletes sa Chinese players and coaches. Matuto rin sana ang sports organizations and committees natin sa Chinese counterparts nila.
Hindi ako umaasa nang malaki sa delegation natin. Magpakita lang sila ng magandang performance okay na sa akin. Next time tatawag ako sa iyong Olympic hotline.
Ingat lang at iwasan ang magkasakit.
Minnie Pacheco R. R. Landon Ext. Cebu City, Phils.
Maraming salamat, Minnie, sa iyong liham at sa iyong walang-sawang pagsubaybay sa aming mga programa. Tawagan mo ako next week para mapag-usapan natin ang tungkol sa pagpunta mo sa Beijing.
At hanggang diyan na lang ang oras natin sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|