Mga sangkap
500 gramo ng repolyo 2 gramo ng asin 2 gramo ng asukal 1 gramo ng vetsin 2 inatsarang siling labuyo 10 gramo ng mantika
Paraan ng pagluluto
Hiwa-hiwain ang repolyo at siling labuyo.
Magpakulo ng tubig at pakuluan nang mabilis ang hiniwa-hiwang repolyo sa kumukulong tubig. Hanguin at patuluin, tapos isalin sa palangganita. Wisikan ng hiniwa-hiwang siling labuyo.
Initin sa kawali ang mantika sa temperaturang 220 degree centigrade at ibuhos sa repolyo. Lagyan ng asin, vetsin at asukal. Haluing mabuti at isilbi.
Katangian: magandang ulam na may kulay na luntian at pula. Kaiga-igaya.
Lasa: maanghang at malutong.
|