Noong 1924, isinilang si He Jingzhi sa isang maliit na nayon ng Hejiayao ng Lalawigang Shandong ng Tsina. Noong ika-3 hanggang ika-4 na dekada ng nagdaang siglo, naglunsad ang Hapon ng digmaang pananalakay laban sa Tsina. Taglay ng kapootan sa mga nananalakay, lumisan ng lupang-tinubuan si batang He Jingzhe.
Noong 1940, dumating si He ng Yan'an, kinaroroonan ng komite sentral ng CPC, at nag-aral siya sa Luxun Academy of Art and Literature na pormal na nagsimula ang kaniyang karera na pampanitikan.
Sa mga akda ni He Jingzhi, ang kaniyang mga tula ay pinakarepresentatibo. Halimbawa, ang kaniyang dalawang mahabang tula na kinabibilangan ng "Pagbalik sa Yan'an" na kinatha noong 1956 at "Buong Damdaming Umaawit", ay may mahalagang katayuan sa comtemporaryong tula ng Tsina. Sinabi ni He na:
"Ang dalawang tula ay pagpapakita ng aking totoong damdamin na katulad ng iba pang tula ko. Ipinakikita nila, partikular na, ang aking pag-alaala sa paglahok sa rebolusyon. Para sa bansa at mga mamamayan, isa itong pagbuka ng isang totoong damdamin."
Si Ke Yan, asawa ni He Jingzhi, ay isa ring bantog na awtor. Nitong mahigit kalahating siglo na nakalipas sapul nang silang ikasal, kapwa silang nagkamit ng kapansin-pansing tagumpay sa larangang pampanitikan.
Bukod dito, binibigyan nila ng malaking pansin ang pag-katha ng mga batang pampanitikan. Kamakailan, nakipagtalakayan pa si He Jingzhi sa mga kabataang makata ng Beijing hinggil sa pag-unlad ng contemporaryong tula ng Tsina.
|