• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-02 21:07:39    
Hunyo ika-25 hanggang Hulyo ika-1

CRI

Magkasamang natunton noong isang linggo ng panig pulisya ng Tsina at Pilipinas ang isang napakalaking transnasyonal na kaso ng pagpoprodyus at pagpupuslit ng ice, at nakasamsam ng mahigit 180 kilogram na processed at semi processed ice na nagkakahalaga ng halos 54 milyong yuan RMB. Nagpalabas ang ministri ng seguridad na pampubliko ng Tsina ng ulat na ito sa isang preskon noong Lunes sa Beijing. Ipinahayag ng Liu Yuejin, opisyal ng naturang ministri na ang pagtunton ng kasong ito ay isa pang matagumpay na kooperasyon ng panig pulisya ng 2 bansa sa larangan ng pagbabawal sa droga, lubos na nagpapakita ito ng papel ng mekanismo ng kooperasyong pandaigdig sa pagbabawal sa droga na itinatag ng Tsina at mga bansang Asean para sa pagbibigay-dagok sa transnasyonal na krimeng may kinalaman sa droga, at muling nagpapakita rin ng determinasyon ng mga pamahalaan ng 2 bansa na matapat na makipag-kooperasyon sa isa't isa sa pagbabawal sa droga.

Isiniwalat noong Lunes sa Nanning ng Guangxi ni Zheng Junjian, pangalawang pangkalahatang kalihim ng sekretaryat ng China-ASEAN Expo na nagkamit ng breakthrough ang gawain ng imbitasyon sa paglahok sa ika-4 na CAExpo na idaraos sa Oktubre ng taong ito at halos dalawa't katlong exhibition booth ang inireserba. Sinabi niyang aabot sa mahigit 1 libo ang mga irereserbang booth ng mga bansang ASEAN at may pag-aasang lalampas sa bilang sa nagdaang ekspo. Tinatayang aabot sa 20 libo ang mga propesyonal na kalahok sa ekspong ito.

Napag-alaman noong isang linggo ng mamamahayag mula sa General Administration of Civil Aviation of China na mula sa kasalukuyang buwan, bubuksan ng Tsina at 4 na bansang Asean na kinabibilangan ng Kombodya, Malaysia, Brunei at Singgapore ang industrya ng serbisyo ng abiyasyon sa isa't isa, samantalang ibayo pang bubuksan ng Tsina, Myanmar at Biyetnam ang industryang ito sa isa't isa. Nangangahulugan itong mabilis at sustenableng uunlad ang pamilihan ng abiyasyong sibil ng Tsina at Asean.