Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa espesyal na edisyon ng Dear Seksiyong Filipino 2007.
Sa ngalan ng lahat ng mga tagapakinig na Pilipino, ipinaaabot namin ang aming happy anniversary greetings sa lahat ng mga mamamayan ng Hong Kong sa kanilang pagdiriwang ng Ika-10 Anibersaryo ng Pagbabalik ng Hong Kong sa Inang-bayan.
Naniniwala kami na isang blessing para sa Hong Kong ang pagbabalik nito sa sinapupunan ng inang-bayan.
Ang mga liham na bibigyang-daan natin ngayong gabi ay padala nina Kristine Reyes ng Lipa City, Batangas at Chi Chi Mejia ng Km.5, La Trinidad, Benguet.
Sabi ni Kristine sa kaniyang liham:
Dear Kuya Ramon,
Kumusta kayo diyan sa Beijing? Summer na ba? Ano ang lagay ng panahon?
Magandang balita na umaabot ang inyong broadcast hanggang Denmark at Finland base sa natatanggap ninyong mga sulat. Maski sa mga sulat na galing sa Pilipinas may mga nanggagaling sa lugar na hindi ninyo nababanggit noon.
Gusto kong purihin ang inyong Service dahil sa magandang pagdadala nito ng interactive program. May pagkakataon ang lahat ng mga tagapakinig na magbigay ng sarili nilang opinyon.
Sampung taon na rin ang nagdaan sapul nang ibalik ng Britanya ang Hong Kong sa China. Sa sarili kong obserbasyon, makakabuti sa Hong Kong ang muling makapiling ang inang-bayan.Mas makapagtutulungan sila sa maraming aspekto dahil iisa lang ang kanilang mga pinagmulan at isa pa masasamantala ng Hong Kong ang malaking pamilihan ng China para mapanatili nito ang status nito bilang "leading metropolis of the world" at sentro ng kalakalan at komersiyo ng daigdig. Gusto kong batiin ang Hong Kong sa nabanggit na okasyon.
Naalala ko na noong panahong hindi pa nakakabalik ang Hong Kong sa Mainland hindi pa gaanong marami ang mga programa ninyo at wala pa kayong weekend interactive program. Ngayon marami na. Bukod sa snail mail, meron na rin kayong long-distance calls, SMS, at e-mails. Meron din kayo ngayong guessing games at Olympic hotline.
Sana madagdagan pa ang inyong oras at gusto ko ring makarinig ng maraming Chinese pop at rock music. Regards at God bless sa lahat.
Kristine Reyes Lipa City, Batangas Philippines
Maraming-maraming salamat, Kristine, sa iyong sulat at remarks hinggil sa pagbabalik ng Hong Kong sa Tsina. Matagal ka na palang nakikinig sa aming mga programa. Sana magtuluy-tuloy iyon. By the way, summer ngayon sa Beijing.
Bago tayo dumako sa ikalawang liham, tunghayan muna nating ang mga SMS ng ating textmates.
Mula sa 917 413 8312: "Happy 10th Anniversary, Hong Kong! May you have more anniversaries to come." Mula sa 917 351 9951: "Mabuhay sa lahat ng Hong Kong residents sa pagdiriwang nila ng Anibersaryo ng Pagbabalik sa China."At mula naman sa 917 483 2281: "Isang mataos na pagbati sa lahat ng mga kaibigan sa Hong Kong sa 10th Anniversary ng Pagbabalik sa Mainland."
Tingnan naman natin kung ano ang laman ng liham ni Chi Chi, Chi Chi Mejia. Sabi ng liham:
Dear Filipino Service,
Cnsiya na kayo ngayon lang ako nakasulat. Limang buwan din akong nawala sa limelight. Kasi naman, eh, trabaho namin patapun-tapon ako kung saan-saan. Napasulat ako dahil gusto kong maihabol bati ko para sa occasion ng 10th Anniversary ng Pagbabalik ng Hong Kong sa China. Naalala ko noon na umatend sa turnover ceremony ang Reyna ng UK at matataas na opisyal ng UK. Brilliant ang idea na "one country, two systems". Bagay na bagay sa status ng Hong Kong. Mas lalo itong mapapabuti dahil makukuha nito ang tulong at malasakit ng China. Nagkokompliment sila when it comes to business. Congrats and best wishes sa lahat ng Hong Kong Chinese.
Saan man ako itapon ng trabaho ko, tuloy din ang pagsubaybay ko sa mga programa ninyo. Hindi maaring hindi ako magbukas ng radyo para sa balita at usap-usapan at sa weekend programs ni Kuya Ramon Jr. na bahagi na rin ng mga gawain ko sa araw-araw.
Hinihintay ko ang mga susunod pa ninyong knowledge contests at guessing games. Nakakalibang ang mga ito. Pakisabi kay kuyang na nakakarelaks ang kanyang Gabi ng Musika kung weekend at ang sarap makinig sa kanyang letter-reading program.
Sana magkaroon ako ng pera at chance para makapunta ako sa Beijing sa 2008. Gusto kong mapanood ang sinasabi ng marami na "games of a lifetime". Pero siyempre hindi lang Olympics ang habol ko. Gusto ko ring makita China Radio.
Hindi man nakakasulat tuloy din ang pakikinig ko kaya huwag kayong mag-alala.
Ingat kayong lagi. Alam niyo na...
Chi Chi Mejia Km. 5, La Trinidad Benguet, Philippines
Thank you so much, Chi Chi, sa iyong sulat at napakagandang opinion hinggil sa Hong kong. Hihintayin namin ang susunod mong sulat. Sana hindi ka magsawa ng pagsulat at pakikinig sa amin.
At hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|