Nitong 10 taong nakalipas sapul nang bumalik sa inangbayan ang Hong Kong noong taong 1997, humigpit na ang pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan ng magkabilang panig sa pamamagitan ng pagsasamantala ng kani-kanyang bentahe.
Kamakailan, nagdaos sa HK ang mga bahay-kalakal mula sa Mainland ng isang investment promotion para makapagtulungan sila ng kanilang mga counterpart sa HK.
Ang Kawanihan ng Investment Promotion ng Anshun, lunsod ng Lalawigang Guizhou sa dakong timog-kanluran ng Mainland, ay isa sa mga ito. Sinabi ng puno ng kawanihang ito na si Zhou Wuchang na nalagdaan nila ng mga bahay-kalakal ng HK ang 18 proyektong pangkooperasyon na may kinalaman sa turismo, transportasyon at pagmimina. Sinabi pa niya na:
"Ito ang aming kauna-unahang paglahok sa ganitong aktibidad sa HK at masasabing magandang simula ito. Babalik kami dahil nagkokompliment ang magkabilang panig. May bentahe kami sa likas na yaman; halimbawa, mura ang aming koryente at mayaman kami sa karbon. Samantala, may bentahe naman ang panig ng HK sa impormasyon, pundo at teknolohiya."
Tulad ng sinabi ni Zhou, ang malawak na pamilihan at mayamang lakas-manggagawa ng interyor ay nakakalikha ng malawak na espasyo para sa pag-unlad ng HK. Sa pamamagitan ng pamumuhunan sa interyor, ibayo pang umuunlad ang mga bahay-kalakal ng HK.
Kasabay nito, ang kakayahan ng inangbayan sa R&D ay nagsisilbing garantiya para sa pagbabago ng HK sa intellect-oriented economy mula sa service-oriented. Kaya, kailangang kailangan ang pagtutulungang pansiyensiya't panteknolohiya ng HK at Mainland. Kaugnay nito, sinabi ni Henry Tang Ying-yen, Puno ng Kawanihan ng Pinasya ng HK, na:
"Patuloy na pasusulungin namin ang pakikipagpalitan namin sa inang-bayan sa larangan ng talento at larangang akademiko. Hihikayatin din namin ang pagtutulungan ng mga institusyon ng R&D ng magkabilang panig para maisakatuparan ang magkasamang pag-unlad."
|