Ang Harbin ay isang kapital ng musika. Mahaba ang tradisyong musikal nito. Mahilig ang mga taga-Harbin sa musika.
Bawat taon, nag-aanyaya ang punong abala ng mga grupong pansining sa pandaigdig na antas na gaya ng Russia National Ballet Theatre para magpalabas dito sa Harbin. Ilang beses na pumarito ang grupong ito ng Rusya. Noong isang taon, nagpalabas ito ng classical Ballet "Swan Lake".
Sa Harbin, ang pagtatamasa sa performance na pansining ng Rusya ay naging isa sa mga mahalagang nilalaman para mahikayat ang mga turista. Hinggil dito, sinabi ni Zhang na:
"May mga sumusunod na katangian ang turismo ng Harbin: una, namamayani dito ang katangian ng kultura ng Europa na ang kultura ng Rusya ay naging tampok; ikalawa, ang natural na tanawing ekolohikal; ikatlo, paglalakbay sa hanggahan ng Tsina at Rusya."
Dahil malapit sa hanggahan ng Rusya, ang estilo ng pamumuhay ng Rusya ay isang mahalagang aspekto ng katutubong kaugalian sa lokalidad. Ang pagkakahalu-halo ng kultura ng Tsina at Rusya ay isang namumukod na katangian ng Harbin.
Minsan naging isang santuwaryo sa dulong silangan ng mga Ruso at Europeo ang Harbin at tinawag na "Paris sa silangan". Sa kasalukuyan, nawala na ang maraming mandarayuhan mula sa Rusya, nguni't, naiwan bakas ng mga Ruso sa estilo ng pamumuhay at arkitektura.
Sa mga kalsada ng lunsod, may maraming nagtatayuang arkitektura sa estilong Ruso. Sa tingin ng maraming tao, ito ay dahilan kung bakit nagiging romantiko ang Harbin. Gustong-gusto ng mga kabataan ang lasang dayuhan ng Harbin at di-kakaunti ang nagpapakasal dito. Sinabi ng isa sa mga turista na:
"Ito ay isang lugar na matatagpuan lamang sa fairy tale. Nararamdaman ng bawat talaga na pumarito na parang prinsesa sila."
Sasalubong ang Harbin sa inyong pagdalaw para maranasan ninyo mismo ang maligamgam na tag-init at romansang namamayani sa buong lunsod.
|