Dear Kuya Ramon,
Kumusta kayo diyan sa Beijing? Summer na ba? Ano ang lagay ng panahon?
Magandang balita na umaabot ang inyong broadcast hanggang Denmark at Finland base sa natatanggap ninyong mga sulat. Maski sa mga sulat na galing sa Pilipinas may mga nanggagaling sa lugar na hindi ninyo nababanggit noon.
Gusto kong purihin ang inyong Service dahil sa magandang pagdadala nito ng interactive program. May pagkakataon ang lahat ng mga tagapakinig na magbigay ng sarili nilang opinyon.
Sampung taon na rin ang nagdaan sapul nang ibalik ng Britanya ang Hong Kong sa China. Sa sarili kong obserbasyon, makakabuti sa Hong Kong ang muling makapiling ang inang-bayan.Mas makapagtutulungan sila sa maraming aspekto dahil iisa lang ang kanilang mga pinagmulan at isa pa masasamantala ng Hong Kong ang malaking pamilihan ng China para mapanatili nito ang status nito bilang "leading metropolis of the world" at sentro ng kalakalan at komersiyo ng daigdig. Gusto kong batiin ang Hong Kong sa nabanggit na okasyon.
Naalala ko na noong panahong hindi pa nakakabalik ang Hong Kong sa Mainland hindi pa gaanong marami ang mga programa ninyo at wala pa kayong weekend interactive program. Ngayon marami na. Bukod sa snail mail, meron na rin kayong long-distance calls, SMS, at e-mails. Meron din kayo ngayong guessing games at Olympic hotline.
Sana madagdagan pa ang inyong oras at gusto ko ring makarinig ng maraming Chinese pop at rock music. Regards at God bless sa lahat.
Kristine Reyes Lipa City, Batangas Philippines
|