• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-06 21:11:49    
Tsina, tumulong sa Kambodya sa pagkukumpuni sa Angkor

CRI
Pagkaraan ng halos sampung taong pagsisikap, sa tulong ng Pamahalaang Tsino, natapos noong katapusan ng Mayo ng taong ito ang proyekto ng pagkukumpuni sa Chau Say Tevoda Temple sa Angko, kilalang pamanang pangkultura ng Kambodya.

Ito ang kauna-unahang malaking proyekto ng pagtulong ng Tsina para kumpunihin ang isang pamanang pandaigdig. Kapuwa nagpugay sa kahusayan ng mga dalubhasang Tsino sa relikya sa naturang proyekto ang United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization o UNESCO at Pamahalaang Kambodyano.

Noong 1990s, sa kahilingan ng UNESCO, naglaan ng espesyal na pondo ang Pamahalaang Tsino at nagpadala ng mga dalubhasa para makilahok sa renobasyon ng Angkor historic site. Sa unang yugto ng proyektong ito, namahala ang panig Tsino sa pagkukumpuni sa Chau Say Tevoda Temple, isa sa mga pamanang pinakamalubhang nasira.

Pagkaraan ng isang taong paghahanda, nagsimulang kumpunihin ng mga dalubhasang Tsino ang naturang templo noong taong 1999. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Shen Yang, dalubhasa mula sa China National Institute of Cultural Property, na ito ay patunay ng pagsasabalikat ng Pamahalaang Tsino sa mga obligasyong pandaigdig at makabuluhan din ito sa pakikipagpalitan sa mga counterpart na dayuhan hinggil sa mga gamit na teknolohiya sa pangangalaga sa mga pamanang pangkultura. Sinabi niya na:

"Ang pagkukumpuni sa Chau Say Tevoda Temple ay parang isang pagtetest sa teknolohiya at mga konkretong hakbangin ng Tsina sa pangangalaga sa relikyang historikal. Sa pamamagitan ng proyektong ito, nakapulot din kami ng mga sulong na teknolohiya mula sa iba pang kalahok na bansa."

Ayon sa salaysay, bukod sa Tsina, meron pang mahigit 10 bansa na tulad ng Pransiya, India, Alemanya at Italya ang nakilahok din sa renobasyon ng Angkor historic site.