Ang "dalagitang may puting buhok" ay isang bantog na opera ng Tsina. Si He Jingzhi ay isa sa mga may-akda ng opera na ito. Ang opera na ito ay isa sa mga contemporaryong panitikan na may pinakamalaking epekto.
Si He Jingzhi ay isa sa mga bantog na contemporaryong awtor at makata ng Tsina. Ang kaniyang mga ginawang katha noong ika-4 hanggang ika-5 dekada ng nagdaang siglo ay madalas na binabanggit ng mga tao hanggang sa kasalukuyan, at nakakahikayat sila sa mga batang pampanitikan sa hene-henerasyon.
Narito ang kuwento ng opera na ito: noong ika-3 hanggang ika-4 na dekada ng nagdaang siglo, dahil inaalipin ng landlord, nagpakamatay si Yang Bailao, ama, tanging kamag-anakan ng isang dalagitang may pangalang Xi'er. Wala siya ibang pagpili kundi tumakas at ginawang taguan ang bundok, at dahil sa masyadong mahirap na pamumuhay doon, ang kaniyang maitim na buhok, ay naging puti. At di nagluwat, ibinagsak ng hukbong bayan na pinamumunuan ng Partido Komunista ng Tsina ang mga landlord, at si Xi'er ang nakalalaga at bumalik sa lupang tinubuan niya mula sa bundok.
Hindi pambihira sa Tsina ang kuwentong inilarawan ng "dalagitang may puting buhok" noong ika-3 hanggang ika-4 na dekada ng nagdaang siglo. Sa panahong iyon, nasa semi-colonial at semi-feudal society ang Tsina, napakahirap ng pamumuhay ng mga karaniwang mamamayan.
Nang maalaala ang tagpo noon sa paglikha ng operang ito, hindi napigil ng 83 taong-gulang na He Jingzhi ang kaniyang naaantig na damdamin:
"Ang 'dalagitang may puting buhok' ay isang romaunt, siyempre, nababatay ito sa aktuwal na pamumuhay. Inilalarawan nito ang kasamaang-palad ng mga magsasaka sa lumang lipunan. Pagkatapos, pinalaya sila ng Eight Route Army at Partido Komunista ng Tsina, CPC. Sa aspektong ito, may tipikal na katuturan ang kuwentong ito."
|