Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2007.
Salamat sa 0090 232 3137 at 0049 242 188 210 sa kanilang magandang remarks hinggil sa aming programa partikular na sa DSF at Gabi ng Musika.
Salamat din sa 0086 1352 023 4755 sa kaniyang opinion hinggil sa pagho-host ng Beijing ng Olympics at sa 919 648 1939 sa kaniyang mga suggestion para sa pagbuti pa ng aming programming. Siyempre, wala ring katapusan ang aming pasasalamat sa lahat ng mga patuloy na nagpapadala sa amin ng text messages.
Ang ika-10 Anibersaryo ng Pagbabalik ng Hong Kong sa Tsina ay ipinagdiwang noong unang araw ng Hulyo, pero hanggang ngayon patuloy pa rin ang mga tagapakinig sa pagpapaabot ng kanilang pagbati. Ang isa sa mga ito ay si super-DJ Happy. Tumawag siya sa phone para i-congratulate ang mga taga-Hong Kong sa kanilang anibersaryo at para rin sabihin kung ano ang kaniyang nararamdaman at naiisip hinggil sa Hong Kong handover.
Nabanggit ni Happy ang tungkol sa mga speculation noong bago maganap ang handover. Sampung taon na ang nakararaan pero ni isa sa mga speculation na ito ay hindi nagkatotoo at wala siyang nakikitang palatandaan na ito ay magkakatotoo.
Sabi niya, pagkalipas ng sampung taon, nakita natin ang mga kapakinabangang tinatamasa ng Hong Kong mula sa Mainland at kaugnay nito, nagbigay siya ng ilang halimbawa.
Gaya ng nasabi ko kanina, ang voice mail na ito ni super-DJ Happy ay isa lamang sa mga natanggap naming pahabol na pagbati. Meron din kaming natanggap na SMS messages at narito ang ilan:
Mula sa 919 651 1659: "Lahat ng basic rights ng mga taga-Hong Kong ay nasasa-kanila pa hanggang ngayon mula noong isoli ng UK ang Hong Kong sa Mainland kaya hindi dapat magkamali ang iba. Pinatutunayan ito ng mga Pilipino na nangangamuhan at namumuhunan sa Hong Kong."
Mula sa 921 577 9195: "Happy belated 10th anniversary sa H.K.S.A.R.!"
At mula naman sa 919 332 4470: "Ini-enjoy ngayon ng mga taga-Hong Kong ang resulta ng "one country, two systems". Ito kasi ang nababagay sa rehiyong ito. Wala na akong maisip na mas maganda pa rito."
Ngayon, tunghayan naman natin ang ilang short notes.
Sabi ni Emmy Panajon ng Florante, Pandacan: "Nasa China na uli ang Hong Kong kaya ito ang unang-unang makaka-take advantage ng malaking market ng China. Kasama na rin sa market na ito ang tourism market at cultural market. Maliwanag din ang prospect ng kanilang cooperation sa iba't ibang areas."
Sabi naman ni Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran, Singapore: "Happy belated anniversary sa Hong Kong. Masuwerte ang Hong Kong residents sa pagbalik ng Hong Kong sa China. Mas makapagtutulungan sila under "one country, two systems". Ito ay isang workable system at pinatunayan ito ng hindi pagkakaroon ng changes sa pamumuhay ng mga taga-Hong Kong. Kung magkakaroon man ng changes, ito ay tungo sa economic development."
Sabi naman ni Manuela Bornhauser ng Gachnang, Switzerland: "Hindi ba obvious naman na nagwo-work ang "one country, two systems" sa Hong Kong? So far, wala kang makikitang pagbabago sa mode of living ng mga Hong Kongese. Iyong kinagawian nilang buhay 10 years ago ay iyon pa rin ngayon. May advantage pa nga sila ngayon dahil ang China is one of the fastest developing countries ngayon at ang Hong Kong ay magkakaroon ng share sa development na ito one way or the other. Everything is okay in Hong Kong and with Hong Kong residents kaya congratulations sa kanilang anniversary."
May ilan pang short notes dito pero wala na tayong oras. Pasensiya na kayo. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|