• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-09 15:00:58    
HK, plataporma ng mga bahay-kalakal ng Mainland tungo sa pamilihang pandaigdig

CRI
Sinabi pa niya na kumpara sa inang-bayan, ang mga bentahe ng HK ay kinabibilangan ng hinog na sistema ng pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip o IPR, paborableng kondisyon sa pangongolekta ng pondo at malawak na ugnayang pandaigdig. Ito ang dahilan kung bakit itinuturing ng mga bahay-kalakal ng Mainland ang HK bilang isang plataporma tungo sa pamilihang pandaigdig.

Ang Gome Group, pinakamalaking bahay-kalakal ng electrical appliances ng interyor, ay isa sa mga ito. Nag-public-list ito sa HK noong taong 2004. Sinabi ni G. Du Juan, isa sa mga puno ng Gome, na sinasamantala ng kanyang kompanya ang bentahe ng HK bilang sentro ng pandaigdig na pinansya, kalakalan at turismo, para makapagtamo ng sapat na pondo para sa mabilis ng pag-unlad ng bahay-kalakal. Sinabi niya na:

"Sa HK, nakakapulot ang Gome ng mga sulong na karanasan sa pangangasiwa. Sa pamamagitan ng pakikipagkompetensiya sa mga counterpart sa HK, walang-humpay na natututo at sumusulong ang Gome."

Ipinahayag naman ni Mike Rowse, Puno ng Investment Promotion Agency o Invest HK, na:

"Sa palagay ko, dapat hikayatin ng mga kinauukulang panig ang higit pang maraming bahay-kalakal mula sa Mainland na magpalawak ng kanilang negosyo sa HK. Sa gayon, mapapasulong ang integrasyong pangkabuhayan ng magkabilang panig. Ang mga mahusay na bahay-kalakal mula sa interyor na tulad ng Gome ay nakakatulong sa pagpapabuti ng pamilihan ng tingian ng HK."

Sinabi rin niya na naglunsad na ang kanyang ahensiya ng isang pambansang proyekto para yugtu-yugtong maipakita sa iba't ibang lugar ng interyor ang business opportunity ng HK para mahikayat ang mga bahay-kalakal ng Mainland na pumasok sa rehiyon--at sa pamilihang pandaigdig.