Mga sangkap
1 chicken drumstick 1 chicken stock cube 4 na tasa ng tubig 1 lata ng creamed sweet corn soup (440 grams) 2 dried black mushrooms, ibinabad at ginayat nang pino 1 kutsarita ng light soya sauce 2 spring onions, tinadtad Asin at puting paminta (depende sa kailangan ng panlasa ang dami) 2 kutsara ng cornflour 1/4 cup ng malamig na tubig 30 gramo ng lutong crabmeat at 1 itlog (binati)
Paraan ng pagluluto
Pakuluan ang chicken drumstick hanggang sa lumambot. Huwag itatapon ang pinagpakuluang tubig. Hanguin ang manok at himayin ang laman. Ihulog ang stock cube sa tubig. Hayaang kumulo ang tubig hanggang sa matunaw ang cube.
Ilagay ang sweet corn, mushrooms, soya sauce at kalahating dami ng spring onion. Ilaga sa loob ng 2 hanggang 3 minuto tapos lagyan ng asin at putting paminta ayon sa panlasa. Palaputin ang sabaw sa pamamagitan ng mixture of cornstarch and water at ilaga sa loob ng 2 minuto. Ilagay ang manok at crabmeat at hayaang mainitan nang husto. Bago isilbi, ilagay ang binating itlog habang patuloy itong hinahalo. Tapos ibudbod ang natitirang spring onion.
|