May mahaba at maluningning kasaysayan ang Tsina, at ang 56 na nasyonalidad ay may kani-kanilang katatanging kultura.
Upang mapangalagaan nang mabuti ang mga pamanang kultural na iniwan ng ninuno, inaprobahan at nilahukan na ng Pamahalaang Tsino ang maraming pandaigdigang kasunduan hinggil sa pangangalaga sa sari't saring kultura, at mahigpit itong nakikipagtulungan sa mga organisasyong pandaigdig sa pagsasagawa ng mga may kinalamang proyekto.
Noong 1985, inaprobahan ng Pamahalaang Tsino ang pagsapi sa "Convention Concerning the Protection of the World Cultural and Natural Heritage", at noong 1987, ang Great Wall, Beijing Imperial Palace at iba pa, ay nailakip sa listahan ng "Pandaidigang Pamanang Kultural".
Pagkatapos nito, bumibilis ang proseso ng aplikasyon ng Tsina sa pamanang pandaigdig. Hanggang noong Hulyo ng nagdaang taon, may 33 world cultural at natural heritage ang Tsina na nasa ika-3 puwesto sa daigdig.
Ang UNESCO World Heritage Committee ay isang mahalagang organo sa larangan ng pangangalaga sa pamana na siyang nagsasariling magpasiya ilalakip o hindi ang iniaplay na pamana sa listahan.
Ang World Heritage Center ay magmungkahi sa lupon at magsagawa lamang ng kapasiyahan nito. Maraming ulit na naglakbay-suri at bumisita sa Tsina si Ginoong Francesco Bandarin, Puno ng sentrong ito. Nang kapanayamin siya ng mamamahayag ng CRI, sinabi niyang mabunga ang gawain ng Tsina sa pangangalaga sa pamanang kultural. Sinabi niya na:
"Nitong 20 taong nakalipas, nagsasagawa ang Pamahalaang Tsino ng maraming mabisang hakbangin para maiwasan ang kapinsalaan sa mga cultural at natural heritage. May magandang pakikipagtulungan namin sa Pamahalaang Tsino.
|