Marahil dahil sa ang kasalukuyang buwan ay buwan ng pagbabalik ng Hong Kong sa Tsina, H.K.S.A.R. pa rin ang paboritong paksa ng mga tagapakinig. Marami kaming nakausap sa telepono nitong nagdaang dalawang linggo at pawang Hong Kong ang naging paksa ng aming pag-uusap.
May mga nagpadala pa nga ng mga pahabol na mensaheng pambati para sa anibersaryo ng Hong Kong at iyong iba rito ay binasa ko last Friday.
Ngayong gabi, maririnig ninyo ang mga tinig ng tatlong tagapakinig na nakausap naming sa telepono. Datapuwat magkakaiba sila ng nararamdaman at naiisip hinggil sa Hong Kong turnover, iisa lang ang tinutungo ng kanilang mga pangungusap: Ang Hong Kong ay may maliwanag na kinabukasan sa piling ng inang-bayan.
Sabi ni Pomett Sanchez, isang Singapore-based call center agent na naririto ngayon sa Pilipinas, blessing para sa Hong Kong ang pagbabalik nito sa China. Kung bakit, ganito ang kanyang rason.
Sa nakikita naman ni Daphne Cataroja, librarian sa isang pamantasan sa Hong Kong, ang "one country, two systems" ay tumatakbo ng buong husay sa Hong Kong. Sa loob aniya ng nagdaang sampung taon, nakikita't nararamdaman na ang epekto nito sa rehiyon.
Tulad din naman ni Daphne, si Nicole Fernandez ay isa ring librarian sa Hong Kong pero sa iba namang pamantasan. Sinabi niya na nakapagtatamasa ang Hong Kong ng higit pang tulong at suporta mula sa Mainland pagkaraan ng handover.
Salamat sa inyo, Pomett, Daphne at Nicole.
Ngayon, tingnan naman natin ang ilang pagbati mula sa ating textmates:
Mula sa 917 483 8312: "Happy 10th Anniversary, Hong Kong! May you have more anniversaries to come!"
Mula sa 917 351 9951: "Mabuhay sa lahat ng Hong Kong residents sa pagdiriwang nila ng anniversary ng pagbabalik sa China!"
At mula naman sa 917 483 2281: "Isang mataos na pagbati sa lahat ng mga kaibigan sa Hong Kong sa 10th Anniversary ng Pagbabalik ng Hong Kong sa Mainland!"
Ngayon, tingnan naman natin kung ano ang sinasabi ng liham ni Kristine Reyes ng Lipa City, Batangas:
Dear Kuya Ramon,
Kumusta kayo diyan sa Beijing? Summer na ba? Ano ang lagay ng panahon?
Magandang balita na umaabot ang inyong broadcast hanggang Denmark at Finland base sa mga natatanggap ninyong sulat. Maski sa mga sulat na galing sa Pilipinas, may mga nanggagaling sa mga lugar na hindi ninyo nababanggit noon.
Gusto kong purihin ang inyong Service dahil sa magandang pagdadala nito ng interactive program. May pagkakataon ang lahat ng mga tagapakinig na magbigay ng sarili nilang opinyon.
Sampung taon na rin ang nagdaan sapul nang ibalik ng Britanya ang Hong Kong sa China. Sa sarili kong obserbasyon, makakabuti sa Hong Kong ang muling makapiling ang inang-bayan. Mas makakapagtulungan sila sa maraming aspekto dahil iisa lang ang kanilang mga pinagmulan at isa pa masasamantala ng Hong Kong ang malaking pamilihan ng China para mapanatili nito ang status nito bilang "leading metropolis of the world" at sentro rin ng kalakalan at komersiyo ng daigdig. Gusto kong batiin ang Hong Kong sa nabanggit na okasyon.
Naalala ko na noong panahong hindi pa nagbabalik ang Hong Kong sa Mainland, hindi pa gaanong marami ang mga programa ninyo at wala pa kayong weekend interactive program. Ngayon marami na. Bukod sa snail mail, meron na rin kayong long-distance calls, SMS at e-mails. Meron na rin kayong guessing games at Olympic hotline.
Sana madagdagan pa ang inyong oras at gusto ko ring makarinig ng maraming Chinese pop at rock music.
Regards at God bless sa lahat!
Kristine Reyes Lipa City, Batangas Philippines
Maraming salamat, Kristine, sa iyong liham at sa iyong opinion hinggil sa pagbabalik ng Hong Kong sa Mainland. Sana magpatuloy ka ng pagsulat sa amin. Salamat uli at God love you.
Hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|