• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-19 19:54:11    
Kauna-unahang babaeng bayani ng Tsina

CRI
Ang pangalang Fu Hao ay 200 ulit na binanggit sa oracle bone o "jiaguwen" na ang mga deciphering nito, pati ng mga bagong tuklas sa Yin Ruins, ay nagbubunyag na siya'y asawa ng Shang King na nagngangalang Wu Ding. Si Fu Hao ay siya ring kauna-unahang nakatalang babaeng heneral sa Tsina. Ang kanyang libingan ay natuklasan noong 1976 at dahil sa paghuhukay na ito, nakapagtamo ng impresyon sa namumukod na babaing ito sa malayong kasaysayan.

Itinala ng oracle bones na sa serye ng mga labanan noong panahon ng paghahri ni Haring Wu Ding, nagtipon si Fu Hao ng mga tropa sa mga larangan ng labanan sa lugar ng hari nang mahigit sa isang okasyon. Pinamunuan niya minsan ang 13000 sundalo sa isang matagumpay na pakikipaglaban sa tribong Qiang, at naging pinakamagaling na heneral noong panahon ng Wu Ding.

Ilang beses na itinala sa Xiaotun oracle bnones na lubos na hinahangaan ni Haring Wu Ding si Fu Hao at madalas niyang ipinagdarasal ang kalusugan nito at pagkakaroon ng mahabang buhay. Ang status ni Fu Hao ay kapantay ng sa 60 asawa ng hari at ginawaran siya ng malawak na loteng dating hawak ng piyudal na panginoon. Gayunman, hindi mabuti ang kalusugan ng matapang at magandang si Fu Hao at namatay nang nauna sa hari.

Ipinalibing ni Haring Wu Ding si Fu Hao sa isang lugar sa palasyo na isang pambihirang karangalan--at nagtayo ng isang palatial hall sa ibabaw ng puntod. Pinatutunayan ng mga archeological exacavation na tinangay ng mga magnanakaw sa mitso ang lahat ng kayamanan sa 11 sa mga royal tomb sa Yin Ruins may isang libong taon na ang nakaraan. Ang libingan ni Fu Hao ang tanging hindi nagalaw dahil sa di-pangkaraniwang kinalalagyan nito sa isang lugar ng palasyo, na nasa ilalim ng isang bulwagan ng palasyo.