• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-20 20:40:10    
Chongzuo, aktibo sa pagtutulungang pangkabuhayan ng Tsina't Asean

CRI
Ang kauna-unahang expressway ng Tsina na nakaugnay sa Asean, ay nagmumula sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, hanggang sa Friendship Pass sa Chongzuo, lunsod ng rehiyong ito na kahangga ng Biyetnam.

Sa artikulong ito, mababasa ang hinggil sa kung papaanong sinasamantala ng Chongzuo ang bentaheng heograpikal nito para makipagtulungan sa mga bansang Asean.

Bata pa ang Chongzuo at may 3 taong-gulang lamang ito. Umaabot sa 533 kilometro ang haba ng hanggahan ng Chongzuo at Biyetnam. Ang pandaigdig na daambakal na nag-uugnay ng Moscow, Beijing at Hanoi na siyang tanging riles ng Tsina't Asean ay nagdaraan din sa Chongzuo.

Sa 32 puwerto sa hanggahan ng Tsina at mga bansang Asean, ang Chongzuo ay may 7 sa mga ito. Meron din itong 24 na pook kung saan nagkakalakalan ang mga mamamayan ng Tsina at mga kahanggang bansa.

Nang kapanayamin ng mamamahayag, sinabi ni Mo Changying, Pangalawang Alkade ng Chongzuo, na kasabay ng pagpapabilis ng pagtatatag ng CAFTA, China-Asean Free Trade Area, nangunguna ang lunsod na ito sa pagpapaunlad ng pagtutulungang pangkabuhayan ng Tsina't Asean. Sinabi pa niya na:

"Ang lokasyon ng Chongzuo ay bentahe rin nito. Noon pa mang taong 2004 nang simulang itatag ang lunsod na ito, nagpasiya na kaming paunlarin ang lunsod bilang isang land port na naglilingkod sa Tsina't Asean sa pamamagitan ng pagsasamantala ng naturang bentahe nito. Sa prosesong ito, sa kahabaan ng Nanning-Friendship Pass at gayundin sa mga land port na pinaghahanggahan ng Tsina't Biyetnam, nagbukas kami ng mga industrial park."