• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-20 20:41:49    
Kooperasyon ng Tsina at daigdig sa world heritage protection

CRI

Nitong ilang taong nakalipas, idinaos dito sa Tsina ang ilang mahalagang kombensyong pandaigdig hinggil sa pangangalaga sa pamana, at itinatag sa Tsina ng ilang organisasyon ang kanilang sangay para mamahala sa regular na gawain.

Noong 2005, itinatag sa Xi'an, Tsina ng International Council on Monuments and Sites (ICOMOS)--mahalagang propesyonal na organong tagapayo ng UN--ang "Sentro ng Pangangalaga sa Xi'an".

Sinabi ni Ginoong Zhang Bo, Pangalawang Puno ng Pambansang Kawanihan ng Relikya ng Tsina na ang sentrong ito ay kauna-unahang sangay na itinatag ng ICOMOS sa daigdig. Ang pagtatatag nito sa Tsina ay nagpapakitang positibo sa Tsina ang organisasyong pandaigdig. Sinabi niya na:

"Sa panahon ng pagkakatatag ng sentrong ito, may nagkakaibang palagay ang ilang bansa. Bakit itong itatatag sa Tsina? Ngunit naaprobahan ito. Ipinakikita nitong dumarami nang dumarami ang ating pagtutulungan, at ipinakikita rin nitong positibo sa gawain ng Tsina sa pangangalaga sa relikya ang pandaigdigang organisasyon"

Pinag-aralan din ng Tsina ang karanasan ng bansang dayuhan sa larangan ng pangangalaga sa pamanang kultural, at nagkaroon ito ng mahigpit at pangmalayuang pagtutulungan ng mga organo ng relikya ng Tsina at mga bansang dayuhan.

 

Sinabi ni Ginoong Zhang Bo na bunga ng maraming porma ng pagtutulungan, nakakuha ang Tsina ng karanasan ng bansang dayuhan, at ipinalaganap rin ang kulturang Tsino. Sinabi niya na:

"Nitong ilang taong nakalipas, dumarami nang dumarami ang ating pakikipagtulungan sa mga organisasyong pandaigdig sa pangangalaga sa relikya at malaki ang kabutihan nito para sa atin."