• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-23 10:40:58    
Hulyo ika-16 hanggang ika-22

CRI

Ipinahayag noong Biyernes sa Beijing ni Li Changjiang, puno ng General Administration of Quality Supervision, Inspection and Quarantine ng Tsina, na walang formaldehyde sa prosedyur ng paggawa ng "White Rabbit" creamy candy, isang kilalang produkto ng Guan Sheng Yuan Food Company ng Tsina. Winika ito ni Li kaugnay ng ulat hinggil sa pagkatuklas ng Bureau of Food and Drugs o BFAD ng Pilipinas, sa pamamagitan ng pagsusuri, ng formaldehyde sa naturang mga kendi na iniluwas sa bansang ito. Sinabi rin ni Li na hanggang sa kasalukuyan, hindi pa nakikipag-ugnayan sa panig Tsino ang may kinalamang panig ng Pilipinas hinggil sa isyung ito at wala pa ring ipinagkaloob na ulat ng pagsusuri at mga sample ng kending ito mula sa panig Pilipino. Sa isang may kinalamang ulat, pagkaraang isapubliko ng BFAD ang resulta ng pagsusuri nito, isinagawa ng sangay sa Shanghai ng SGS-CSTC, isang pandaigdig na awtorisadong third party inspection company, ang pagsusuri sa mga sample ng iluluwas na mga "White Rabbit" creamy candy at isinapubliko nito kahapon na walang natuklasang formaldehyde sa mga kending ito.

       

       

Mula noong Miyerkules hanggang Biyernes, dumalaw sa Pilipinas ang 300 tao na delegasyon ng Munisipalidad ng Chongqing ng Tsina na pinamumunuan ni Wang Hongju, alkalde ng munisipalidad na ito. Sa panahon ng pagdalaw, kinatagpo ang delegasyon nina pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ispiker Jose De Venecia ng mababang kapulungan at ng mga iba pang opisyal ng mga departmento ng suliraning panlabas, kalakalan, kultura, edukasyon, turismo at agrikultura ng Pilipinas. Itinaguyod din ng delegasyon ang mga aktibidad ng "linggo ng Chongqing" sa Maynila para ibayo pang mapasulong ang pangkaibigang pagpapalagayan ng dalawang panig at ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan. Napag-alamang sa panahon ng mga aktibidad na ito, i-niorganisa ng Chongqing ang mga promosyon para sa kabuhayan, kalakalan, kultura, edukasyon, turismo, pagkain at mga iba pa. Lumagda rin ang delegasyon at kinauukulang departamento at bahay-kalakal sa mga kasunduan ng kooperasyong pangkalakalan na tulad ng pagluluwas ng motorsiklo sa Pilipinas.

Ipinatalastas noong Martes ng China Southern Airline na isasagawa sa ika-27 ng buwang ito ang unang flight ng bagong binuksan nitong unang direktang international route patungong Cebu ng Pilipinas mula sa Chinese Mainland. Pagkaraang isaoperasyon ang linyang ito sa pagitan ng Shanghai at Cebu, may pag-asa itong makakapagbigay ng ambag para sa pagpapalakas ng pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan, pagpapalitang pangkultura at pag-unlad ng turismo ng Tsina't Pilipinas. Ayon sa salsaysay, sa inisyal na yugto, may 2 flights bawat linggo ang nasabing linya.

Sinimulan noong Lunes sa Guangzhou, isang lunsod sa dakong timog ng Tsina ang magkasanib na pagsasanay ng mga tropang panlupa ng Tsina at Thailand at ito ang kauna-unahang magkasanib na pagsasanay na isinagawa ng tropang Tsino at dayuhan. Napag-alamang ang nasabing dalawang-linggo na magkasanib na pagsasanay na may pangunahing nilalaman hinggil sa pagharap sa banta ng terorismo ay nilahukan ng tig-15 sundalong panlupa na ipinadala ng panig Tsino at Thai. Sa seremonya ng pagsisimula ng nasabing magkasanib na pagsasanay, ipinahayag ni Zhang Qinsheng, commander ng rehiyong militar ng Guangzhou ng People's Liberation Army ng Tsina, na may mahalagang katuturan ang pagsasanay na ito para mapataas ang kakayahan sa magkasanib na pakikibaka sa terorismo ng tropa ng Tsina at Thailand at mapangalagaan ang katiwasayan at katatagang panrehiyon. Tinukoy naman ng dalubhasang militar na magpapatingkad ang pagsasanay na ito ng papel bilang halimbawa at sa hinaharap, magkakaroon ng mga magkasanib na pagsasanay ang tropang Tsino at mga tropa ng mas maraming bansang dayuhan.

Lumagda noong Lunes sa Bangkok ang pambansang kawanihan ng langis ng Thailand at isang kompanya ng natural gas ng Xi'an, isang lunsod ng Lalawigang Shaanxi ng Tsina, sa isang kasunduang pangkooperasyon hinggil sa natural gas. Ayon sa kasunduang ito, sa pamamagitan ng isang serye ng plano, palalakasin ng kompanyang Tsino ang kooperasyon nila ng panig Thai sa negosyo ng natural gas para makatulong sa pagpapa-unlad ng panig Thai ng malinis na kahaliling enerhiya.