Mga sangkap
500 gramo ng talong 300 gramo ng salad oil (100 gramo lamang ang makukunsumo) 30 gramo ng toyo 15 gramo ng asukal 5 gramo ng shaoxing wine 2 gramo ng asin 15 gramo ng mixture ng cornstarch at tubig 1 gramo ng vetsin 5 gramo ng sesame oil
Paraan ng pagluluto
Hiwa-hiwain ang mga talong sa pirasong 3 sentimetro ang lapad at 6 na sentimetro ang haba.
Initin ang salad oil sa temperaturang 110 hanggang 135 degree centigrade. Igisa ang mga piraso ng talong hanggang sa maging mura ang kulay ng balat ng talong. Tapos, hanguin at patuluin.
Panatilihin ang 20 gramo ng salad oil sa kawali. Buhusan ng shaoxing wine at toyo at lagyan ng asin at asukal, tapos pakuluin. Pagkaraang kumulo, lagyan ng talong at ilaga sa loob ng 3 minuto. Dagdagan ang apoy para mabawasan ang likido. Lagyan ng vetsin at buhusan ng mixture ng cornstarch at tubig para lumapot ang sarsa. Wisikan ng sesame oil. Isilbi.
Katangian: may kulay brown.
Lasa: malambot at masarap.
|