Noong Abril ng nagdaang taon, lumagda ang Chongzuo at Biyetnam sa kasunduan hinggil sa pagtatayo ng thermal power plant sa loob ng lunsod na ito. Ang proyektong nasa magkakasamang pagtataguyod ng Tsina, Biyetnam at Thailand ay naka-iskedyul na simulan sa Enero ng taong 2008 at magsisimula itong maggenerate ng koryente sa 2010.
Gagamitin nitong pangunahing panggatong ang anthracite na ihahatid sa Chongzuo mula sa Biyetnam sa pamamagitan ng Nanning-Friendship Pass expressway. Kapag itayo ang pabrika, malulutas ang kakulangan sa koryente ng Chongzuo maging ng Guangxi at maaari din itong magsuplay ng koryente sa Biyetnam. Kaugnay nito, sinabi ng naturang alkalde na:
"Ang naturang proyekto ay nagsisilbing pasimula ng pamumuhunang pangkalakalan ng Tsina't mga bansang Asean at nagpapalawak din ito ng larangang pampamumuhunan sa pagtatatag ng CAFTA."
Maglalaan din ng 500 milyong Yuan o mahigit 62 milyong dolyares ang Chongzuo para itatag ang pandaigdig na sentro ng lipat-bahay. Aabot sa 140 hektarya ang saklaw ng sentro at sisimulang itatag ito sa katapusan ng kasalukuyang taon.
Isinalaysay ng alkalde na sa karaniwan, 7 hanggang 8 container na prutas ng Thailand ang iniluluwas sa Tsina sa pamamagitan ng Chongzuo bawat araw. Umaasa siyang mapapadali ng setro ang pangangalakal ng Tsina't mga bansang Asean. Sinabi pa niya na:
"Ang layon ng pagtatatag ng sentro ay bawasan ang halaga ng pagkakalakalan ng Tsina't mga bansang Asean, lalung lalo ng 7 bansa sa Indo-China Peninsula."
Ipinalalagay pa ng alkalde na ang kabuhayan ng Chongzuo ay nagtatampok sa agrikultura, industriya, turismo, land port, lipat-bahay at iba pa at umaasa aniya siyang sa proseso ng pagpapaunlad ng lunsod na ito, mapapasulong din ang pagtutulungang Sino-Asean.
|