• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-27 14:28:00    
Isang manunulat na Tsinong may-pag-asang magwagi ng Nobel Literature Prize

CRI

Ang 59 na taong gulang na si Cao Naiqian ay isang pulis sa Lunsod ng Datong ng lalawigang Shanxi ng Tsina. Pulis siya't isang bantog na manunulat. Ang kanyang mahigit 30 maikling kuwento ay isinalin sa Hapones, Ingles at iba pang lenguwahe. Ipinalalagay ni Goran Malmqvist, isa sa mga tagatasa ng Nobel Literature Price, na si Cao ay isa sa mga manunulat na Tsinong may-pag-asang magwagi ng Nobel Literature Prize.

Isinilang si Cao Naixian sa nayong Xiamayu ng bayang Ying ng Lalawigang Shanxi ng Tsina. Namasukan siya noon bilang isang coal miner at manunugtog sa isang grupong pansining at pagkatapos ay naging isang pulis.

Nagsimula noong 1987 si Cao Naiqian sa pagsulat ng mga maikling kuwento. Hanggang ngayon, may halos 1 milyong titik na akda ang ipinalathala niya. Nagsimula siya ng kanyang karera bilang isang manunulat sa pagsulat para sa dyaryo.

Ang kauna-unahang nobelang nalathala ni Cao ay hinggil sa buhay niya at mga manghe. Ang pamagat ng nobelang ito ay "Kapanglawan ng mga Manghe". Ang pangunahing tauhan ng kuwentong ito ay isang manghe. 40 taong nakatira ang kanyang pamilya sa isang templo nang 9 na taong gulang pa siya. Lagi siya naglalaro noon kasama ang mga manghe Sinabi ni Cao na parang hindi naihiwalay ang kanyang kapalaran sa Buda.

Ang matagal na pagtira sa templo ay nakaapekto sa kanyang pagkatao. Hindi siya malasakit sa karangalan at pera, mahilig siya sa simpleng pamumuhay. Sinabi niya na ang layunin ng kanyang pagsulat ay para ipahayag ang kanyang iniisip. Katutuwa siya kung gusto ng mga mambabasa ang kanyang katha at hindi bale para sa kanya kung hindi inalam ng mga tao ang kanyang mga katha.