Mula noong Huwebes hanggang Biyernes, idinaos sa Nanning, lunsod sa dakong timog kanluran ng Tsina ang dalawang araw na Porum ng Kooperasyong Pangkabuhayan ng Pan-Beibu Gulf sa 2007. Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Jiang Zhenghua, Pangalawang Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) na bilang isang mahalagang larangan ng pagtutulungan ng Tsina at ASEAN, ang kooperasyong pangkabuhayan ng Pan-Beibu Gulf ay dapat ilagay sa pangkalahatang estratehiya at plano ng pagtatatag ng Tsina at ASEAN ng malayang sonang pangkalakalan. Tatagal nang dalawang araw ang porum na ito. Tatalakayin ng mga kalahok ang hinggil sa mga temang kinabibilangan ng kooperasyong pangkabuhayan ng Pan-Beibu Gulf, konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan, mekanismong pangkooperasyon ng Pan-Beibu Gulf at iba pa. Sa seremonya ng pagpipinid naman, binasa ni Chen Wu, Pangalawang Tagapangulo ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina ang chairman's statement ng porum. Tinukoy ng pahayag na dapat tupdin ng iba't ibang panig ang prinsipyo ng mutuwal na kapakinabangan, pragmatiko at unti-unting pagpapasulong at pagbubukas para mapasulong ang pag-unlad ng industriya at pagiging maginhawa ng kalakalan at pamumuhunan sa rehiyong ito. Ang porum na ito ay magkakasanib na itinaguyod ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, People' Bank of China, Asian Development, pamahalaan ng rehiyong awtonomo ng Guangxi ng Tsina at iba pa.
Sa naturang porum, sinabi ni Xu Ningning, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Konsehong Komersyal ng Tsina at ASEAN na hanggang 2010, mahigit 90% paninda ng Tsina at ASEAN ay maisasakatuparan ang zero tariff, at lalampas sa 200 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan.
Ipinahayag noong Lunes sa Beijing ni Wang Jiarui, puno ng International Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, na nakahanda ang CPC na makipagpalitan sa Lao People's Revolutionary Party, LPRP, ng karanasan hinggil sa pamamahala sa estado. Winika ito ni Wang sa kanyang pakikipagtagpo kay Hiem Phommachanh, pangalawang puno ng External Relations Commission ng Komite Sentral ng LPRP. Lubos na pinapurihan ni Wang ang relasyon ng dalawang bansa at dalawang partidoa. Isinalaysay din niya ang kalagayan hinggil sa kasalukuyang malalimang pagpapatupad ng CPC ng siyentipikong ideya sa kaunlaran at puspusang pagtatatag ng may-harmonyang lipunang sosyalista. Ipinahayag naman ni Hiem Phommachanh na patuloy na ipapatupad ng Laos ang mahalagang komong palagay na narating sa matagumpay na pagdadalawan ng mga lider ng dalawang bansa at partido noong isang taon para mapataas ang relasyon ng Laos at Tsina sa mas mataas na antas.
Matagumpay na natapos noong Araw ng Linggo sa Lunsod ng Guangzhou sa timog Tsina ang magkasanib na pagsasanay ng special force squads ng tropang Tsino at Thai. Napag-alamang ang pagsasanay na ito ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng special force squads ng dalawang tropa sa pagharap sa terorismo at ito rin ay kauna-unahang magkasanib na pagsasanay ng tropang Tsino at tropang dayuhan. Ipinahayag ng opisyal ng Ministri ng Tanggulan ng Tsina na may positibong katuturan ang pagsasanay na ito para sa pagpapalawak ng mga bagong larangan ng pagpapalitan at pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyon ng mga tropa ng Tsina at ibang bansa.
Idaraos sa Tianjin sa ika-21 ng darating na Agosto ang kauna-unahang simposyum hinggil sa pagtutulungan ng mass media ng 10+3 na itinaguyod ng People's Daily. Sa panahong iyon, dadalo sa simposyum ang mga namamahalang tauhan na galing sa mahigit 10 pangunahing media ng 10 bansang ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea. Ang tema ng naturang simposyum ay "palakasin ang pagtutulungan ng media at palaganapin ang tinig ng Asya". Lubos na tatalakayin ng mga kalahok ang hinggil sa mga temang kinabibilangan ng papel ng media ng Silangang Asya sa pagpapasulong ng pagtutulungan ng 10+3, kung paanong pagpapalakas ng "tinig ng Asya" sa komunidad ng daigdig at iba pa.
Ipinatalastas noong isang linggo ng Ministri ng Impormasyon, Telekomunikasyon at Sining ng Singapore na idaraosa sa darating na Oktubre ng taong ito sa Beijing at Shanghai ang Singapore Season na naglalayong ipakita ang iba't ibang kultura at tradisyon ng Singapore at pasulungin ang pagpapalitang pangkabuhayan nila ng Tsina. Sa panahon ng aktibidad na ito na tatagal nang isang buwan, idaraos ang mga aktibidad na pangkultura at pansining na kinabibilangan ng musika, dula at pagsayaw at pati ang piyesta ng mga pelikula ng Singapore. Napag-alamang sisimulan sa ika-12 ng Oktubre ng taong ito ang naturang aktibidad sa Beijing at idaraos naman sa ika-21 ng Oktubre sa Shanghai.
|