Sa proseso ng paggamit ng irigasyon na matipid sa tubig, nagbabago rin ang mga itinatanim na butil. Si Yang Shengli ay puno ng Dongnanfang, isang nayon sa Lalawigang Shanxi sa Sentral Tsina. Nang makita niyang halos walang tubo ang mga taganayon sa pagtatanim ng mga butil na tulad ng mais, pinangunahan niya ang pagtatanim ng alfalfa. Kaugnay nito, sinabi ni Yang na:
"Salamat sa pagsasaayos ng itinatanim na butil, doble't kalahating beses ngayon ang kita ng mga magsasaka."
Kasabay ng pagpapasulong ng mga teknolohiyang matipid sa tubig, sinusubok din ng mga pamahalaang lokal ng Tsina ang paggawa ng bagong modelo ng pangangasiwa sa yamang-tubig. Halimbawa, sa Jiamakou sa Lalawigang Shanxi, sa ilalim ng bagong modelo ng pangangasiwa sa yamang-tubig na tinatawag na Sunshine Project, naghalal ang mga taganayon ng lupon na siyang tagapamahala sa paggamit ng tubig. Ang tungkulin ng lupon ay isapubliko ang presyo ng tubig at panahon ng pamamahagi ng tubig. Lubos na nasisiyahan dito ang mga residenteng lokal. Sinabi ni Ren Dezhang, isa sa mga taganayon, na salamat sa proyektong ito, madali niyang malaman kung gaano kalaki ng bolyum ng kanyang gamit na tubig. Sinabi niya na:
"Kapag gusto kong magpatubig ng bukid, sasabihan ko lang ang puno ng nasabing lupon. Pagkaraan nito, magbabayad ako sa gamit na tubig. Transparent ang presyo ng tubig."
Gayunpaman, latarang ipinahayag ni Li Yuanhua, isang namamahalang tauhan mula sa Ministri ng Yamang-tubig ng Tsina, na kahit lumalawak nang malaki ang saklaw ng mga bukirin na pinatutubigan sa pamamagitan ng mga pasilidad na matipid sa tubig, meron pa ring mga problema rito ang Tsina. Kaugnay ng kadahilanan nito, sinabi niya na:
"Hindi pa rin naisasakatuparan ng Tsina ang mass production sa agrikultura at limitado pa rin ang kakayahan at pondo ng mga indibiduwal na magsasaka at mga pamahalaang lokal sa pagpapalaganap ng mga teknolohiyang matipid sa tubig."
Bilang tugon, sinabi ni Li na buong-sikap na paplanuhin ito ng kanyang ministri at hihikayatin din nila ang iba't ibang saray na mamuhunan sa agrikulturang matipid sa tubig.
|