Ang Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia ay nasa purok ng hilagang hanggahan ng Tsina at mayroon dito malawakang disyerto, makislap na lawa at maraming cultural relics. Sa susunod, dinala kita sa rehiyong awtonomong ito para makaranas ng kaugaliang pannasyonalidad doon.
May 45 nasyonalidad na kinabibilangan ng Mongolian, Han, Hui, Man ang nakatira sa Inner Mongolia at mahigit 4 milyon sa kanila ang Mongolian. Kung gustong makaranas ang mga turista ng kaugaliang pannasyonalidad ng Mongolia, kadapat-dapat sila pumunta sa damuhan.
Kilalang-kilala na ang Xilinguole, Hulunbei'er, Ke'erqin at iba pang malaking damuhan. Nang mabanggit ang kanyang pagdaramdam sa damuhan, gayon ang sinabi ni Ginoong Wang Yi na:
"Magandang-maganda ang damuhan ng Inner Mongolia, malalim na nakakintal sa isip ko ang mga kalagayang ekolohikal, mga pastol at kanilang pamumuhay."
Masyadong mapagkaibigan ang mga pastol sa damuhan. Kung pumasok kayo sa bahay ng mga pastol, ipinahanda kayo agad ng babaing punong-abala ng masarap na ulam: milktea at karne ng tupa. Habang kumakain, may hawak na pilak na mangkok na may alak, umaawit ang punong-abala para mag-alok sa kanyang bisita.
Ang kawan ng puting tupa, dilaw na baka, ginintuang kamelyo ay hanayad na gumagala-gala sila sa malawakang damuhan, at sa pagitan nila ay nakakalat ang mga puting tolda. Ang tanawing ito ay makikita lamang sa malaking damuhan ng Inner Mongolia.
Para sa mga tao na namumuhay sa lunsod, kung may pagkakataon na dumalaw sa damuhan at makakaranas ng natatanging kaugaliang pannasyonalidad, talagang itong mahiwagang karanasan sa kanilang buhay. Hinggil dito, isinalaysay ni Yun Daping, pangalawang direktor ng Kawanihan ng Turismo ng Inner Mongolia na,
"Nangangailangan ng 45 minuto ang biyahe mula Beijing sa lunsod ng Hohhot sakay ng eroplano. At halos apat at kalahating oras ang takbo ng sasakyan sa highway at mga 11 oras kung sakay ng tren. Sala-salabot ang mga pambansang lansangan, maginhawa-ginhawa."
|