• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-02 21:09:09    
Kabuhayan ng Inner Mongolia, mabilis na umuunlad

CRI
Ang ika-9 ng kasalukuyang buwan ay ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Rehiyong Autonomo ng Inner Mongolia ng Tsina. Noong isang taon, mahigit 50% ng GDP ng buong Inner Mongolia ang nilikha ng mga lunsod ng Hohhot, Baotou at Ordos sa gitna at kanluran ng Inner Mongolia at ang tatlong lunsod na ito ay naging isang pinakamasiglang Economic Circle sa Inner Mongolia.

Naitatag ang Rehiyong Autonomo ng Inner Mongolia noong 1947 at ito ay unang rehiyong autonomo ng mga pambansang minoriya ng Tsina. Nitong 60 taong nakalipas, sa ilalim ng buong lakas na pagkatig ng sentral na pamahalaan at magkasamang pagsisikap ng mga mamamayan ng rehiyong ito, mabilis na umuunlad ang kabuhayan ng Inner Mongolia.

Pagkaraan ng pagkakatatag ng rehiyong autonomo, dahil sa mahinang pundasyon ng industrya, mabagal ang paglaki ng kabuhayan ng Inner Mongolia at sa mula't mula pa, ang paghahayupan ay siyang pangunahing haligi ng kabuhayan ng rehiyon.

Nagbago ang kalagayang ito hanggang unang dako ng ika-90 dekada ng nakaraang siglo. Sa panahong ito, iniharap ng Inner Mongolia ang plano na ipauna ang pagpapaunlad ng mahalagang lugar na may kahigtan para patnubayan ang pag-unlad ng buong rehiyong autonomo at ang Hohhot, Baotou at Ordos ay napili bilang mga lugar na nagtatamasa ng priyoridad sa buong rehiyon para sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

Hohhot ay punong lunsod ng rehiyong autonomo. Sinimulan nito ang pagpapaunlad ng mga may bentaheng industrya mula noong ika-90dekada ng nakaraang siglo. Sinabi ni Tang Aijun, alkalde ng Hohhot na nitong ilang taong nakalipas, ang mga bahay-kalakal na grabe ang polusiyon, malaki ang konsumo ng enerhiya at atrasado ang teknolohiya ay pinalitan ng mga bagong hay-tek na bahay-kalakal na walang polusiyon.

"Sa nakaraang ilang taon, maraming maliliit at mahihinang bahal kalakal ang pinalitan ng mga sulong na bahay-kalakal sa anima na industryang may malaking bentahe."

Ayon sa salaysay, sa nabanggit na 6 industriya ng Hohhot, ang industriya ng gatas na nasa namumunong puwesto ay nagdulot na ng halos 1 milyong trabaho para sa Hohhot.