• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-06 15:15:31    
Hulyo ika-30 hanggang Agosto ika-5

CRI
Mula noong Lunes hanggang Huwebes, nandoon sa Maynila si ministrong panlabas Yang Jiechi ng Tsina para lumahok sa serye ng mga pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN.

Sa pulong noong Martes ng mga ministrong panlabas ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea o "10 plus 3", sinabi ni Yang na ang taong ito ay ika-10 anibersaryo ng kooperasyon ng "10 plus 3". Anya, nitong 10 taong nakalipas, napapanatili ng kooperasyong ito ang mainam na tunguhin ng pag-unlad, natamo ang aktibo at kapansin-pansing bunga, at nagbigay ng mahalagang ambag para mapasulong ang kapayapaan, katatagan, kaunlarang pangkabuhayan, progreso ng lipunan at kamong kasaganaan ng rehiyon.

Sa working luncheon ng mga ministrong panlabas ng Summit ng Silangang Asya, nakipagpalitan ng palagay si Yang sa mga ministrong panlabas ng iba't ibang bansa hinggil sa mga aksyon sa susunod na yugto at direksyon ng pag-unlad sa hinaharap ng Summit ng Silangang Asya.

Nang araw ring iyon, nag-usap sina Yang at Alberto Romulo, kalihim sa suliraning panlabas ng Pilipinas. Sa kanilang pag-usap, lubos na pinapurihan ni Yang ang bilateral na relasyon ng Tsina at Pilipinas, at ipinalalagay niya na natamo ng Tsina, Pilipinas at Biyetnam ang positibong progreso sa kanilang pagtutulungan sa South China Sea. Ipinahayag naman ni Romulo na patuloy na magsisikap ang Pilipinas para mapasulong ang relasyon dalawang bansa. Hinggil sa isyu ng Taiwan, binigyang-diin ni Yang na ang layon ng pagpapasulong ni Chen Shuibian ng pagdaraos ng pambansang reperendum ay baguhin ang katayuan ng Taiwan bilang bahagi ng Tsina at ihiwalay ang Taiwan mula sa Tsina. Ipinahayag naman ni Romulo na ang prinsipyong isang Tsina ay malawakang iginigiit ng kominidad ng daigdig at patuloy mananangan ang Pilipinas sa patakarang isang Tsina.

Sa kanyang talumpati noong Huwebes sa sa ika-14 na pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN Regional Forum o ARF, inilahad ni Yang ang palagay ng panig Tsino hinggil sa kalagayan ng rehiyong Asiya-Pasipiko, diyalogo at kooperasyong panseguridad ng rehiyon at bagong kamulatan sa seguridad. Sinabi ni Yang na noong isang tao, nanatiling umunlad ang kabuhayan ng rehiyong Asiya-Pasipiko, bumilis ang proseso ng integrasyon ng ASEAN at patuloy na lumawak ang kooperasyong rehiyonal at sub-rehiyonal. Ngunit anya, kinakaharap pa rin ng rehiyong ito ang maraming hamon at sumusulong ang ideya hinggil sa pagpapalakas ng bilateral na alyansang militar at paghangad ng absolutong kahigtang militar na nakakapinsala sa pagsisikap para itatag ang pagtitiwalaang pulitikal at nagdudulot ng elemento ng kawalang-katatagan sa seguridad na panrehiyon.Ipinahayg ni Yang na dapat pasulungin ang diyalogo at kooperasyong panseguridad at bagong kamulatan sa seguridad sa naturang rehiyon. Ipinahayag din niya na ang Tsina ay aktibong kalahok at tagapagtatag ng kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon at kasaganaan ng rehiyong Asiya-Pasipiko. Pasusulungin din ng Tsina tulad ng dati ang pagtitiwalaan, pagtutulungan at double-win ng rehiyon.

Pagkatapos ng kanyang paglahok sa naturang mga pulong, ipinahayag ni Yang na mabunga ang serye ng pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN at umaasang mapapatibayin ang ikalawang Magkasanib na Pahayag sa Pagtutulungan ng Silangang Asya sa ASEAN Summit na idaraos sa katapusan ng taong ito sa Singapore. Sinabi ni Yang na 10 taon na ang pagtutulungan ng ASEAN at Tsina, T.Korea at Hapon at nagkamit ito ng malaking progreso. Ipinalalagay ng iba't ibang panig na dapat balangkasin sa lalong madaling araw ang naturang pahayag bilang pagpaplano hinggil sa ibayo pang pagpapaunlad ng kooperasyong ito sa hinaharap. Kaugany ng pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN Regional Forum, sinabi ni Yang na tinalakay sa pulong, pangunahin na, ang kalagayang panseguridad ng rehiyon at daidig at pinagtibay ang isang serye ng may kinalamang ulat at resolusyon. Anya, magdudulot ito ng mahalagang epekto sa ibayo pang pagpapalakas ng seguridad at pagpapasulong sa pag-unlad ng kabuhaya't lipunan ng rehiyong ito.

       

Mula noong Miyerkules hanggang Sabado, nagkaroon ng 3 araw na pagdalaw sa Shanghai ang isang patrol ship ng hukbong pandagat ng Malaysia at ito ang kauna-unahang pagdalaw ng bapor pandigma ng Malaysia sa Shanghai.

       

Natapos noong Miyerkules ang paggawa ng Quanzhou Shipyard sa Lalawigan ng Fujian ng Tsina ng kauna-unahang 10000-ton oil tanker nito. Ang oil tanker na ito ay ibinenta ng Titan Oil Pte. Ltd. ng Singapore.