• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-06 15:16:28    
Fengtai Softbball Field

CRI

Ang Fengtai Softball Field ay ang palaruang pagdarausan ng paligsahan ng softball ng Beijing Olympic Games. Ito ang kauna-unahang natapos at nagamit nang palaruan ng olimpiyadang ito.

Nasa dakong katimugan ng Beijing ang Fengtai Softball Field. Ang konstruksyon niyo'y sinimulan Hulyo 28, 2005. Ang kabuuang laki niyon ay mahigit 15,000 square meters. Ang main field niyon ay may 4700 pirmihang upuan at 5000 pansamantalang upuan. Samantalang mayroon pang 3500 pansamantalang upuan sa reserbang palaruan na may kapasidad na mahigit 13,000 luklukan. Ang buong konstruksyon ay kinabibilangan ng main field, reserve field, dalawang trianing field at isang functional room. Bukod sa mga iyon, mayroon pang daanan, parking area, damuhan, ilang pansamantalang instalasyong publiko. Ang mga pangunahing konstruksyon na kinabibilangan ng main field, reserve Field, functional room ay natapos na noong Hulyo, 2006 at nasuri na't natanggap na.

Pinagpipiga-piga ng mga constructor ng Fengtai Softball Field ang kanilang utak para makapagtayo ng isang modernisadong stadium ng Olympic Games na umaabot sa pamantayang pandaigdig.

Talagang pinaghihirapan ang pulang lupa para sa purok panakbuhan ng softball Field. Hugis abanikong may 90 degrees na anggulo ang Softball Field. Ang medyo maliit na purok sa loob ng hugis abaniko ay pulang lupa para sa pagtakbo at ang natitirang bahagi ng lupang hugis abaniko ay siyang nasa labas ng lugar paligsahan, na kailangang tamnan ng damo. Sapagkat sa paligsahan ng softball, ang manlalarong tatakbo ay may padulas na kilos, kaya kailangang may friction coefficient ang ibabaw ng lupa. Ang pulang lupa ay hindi puwedeng masyadong malagkit na masyadong matigas. Dapat medyo mabuhangin. Dahil dito, ang pulang lupa sa sanayan ng Fengtai Softball Field ay hinakot mula sa katimugan ng Tsina na ginugulan ng 2 milyong Yuan RMB. Samantalang ang lahat ng pulang lupa sa palaruan para sa opisyal na paligsahan ay inangkat pa sa ibang bansa. Kung gustong magtayo ng isang propesyonal na palaruang umaabot sa pamantayang pandaigdig ay kailangang pamuhunanan ng malaki.

Kailangang gumugol ng malaki at kailangan ding magtipid. Ang softbal Field at ginamitan ng mga ilaw na nakapagtitipid ng enerhiya at gayon din ng mga kagamitang panpalinis. Gumamit ng solar cell bilang energy sources at sa pagsuplay ng mainit na tubig. Sa gayon ay nakapagtipid ng malaking bolumen ng enerhiya.

Bukod dito, lubos na pinatingkad ng mga tagadesenyo ang kanilang mapanlikhang diwa, sa ilalim ng damuhan ng Softball Field ay may nakabaong kagamitang sumisipsip ng tubig. Ang damuhan sa Softball Field ay mas mataas ng 8 cm kaysa sa lupa. May tatlong suson ang 8 cm na estrukturang ito, una'y lalayan ng mga malalaking bato ang ibabaw ng napatag nang palaruan, ang ika-2 suson ay lalatagan ng maliliit na bato, pagkatapos ay lalatagan ng buhangin. At saka tatamnan ng mga damo ang ibabaw ng buhangin. Ang gayong estruktura, kung sakaling umulan, ang tubig ulan sa damuhan ay madaling masipsip ng lupa. Sa pamamagitan ng mga nakabaong tubo, dadaloy ang tubig ulan sa kalapit na tinggalan ng tubig. Sa gayo'y madaling matuyo ang palaruan at masisigurado pang magagamit ang palaruan pagkaraan ng isang oras pagkatila ng ulan. At saka mababawi ang water source na puwedeng gamitin sa paglinis sa kubyerta at sa irigasyon. Masasabing makapagtatamo ng maraming pakinabang sa isang gawa lamang.

Ang pagtanim ng damo't punong kahoy at ang komunikasyon sa paligid ng Fengtai Softball Field ay humahabol din sa pamantayang pandaigdig. Talaga namang ikatutuwa iyon ng mga tagalunsod ng Beijing.