Kaya, ipinasiya ng mga siyentistang magpabalik ng dalawang Chineses Sturgeon na ito sa ilog Yangtze. Isinalaysay ni Wang Yuanqun, pangalawang manager ng Beijing Aquarium na:
"Ayon sa pag-aanalisa at pag-aaral ng mga dalubhasa, ang pagpapauwi sa Ilog Yangtze ng mga gumaling na Chinese Sturgeon ay makakabuti sa lumiliit nang lumiliit na wild Chinese Sturgeon community at lumikha ng kondisyon para sa pananaliksik sa mga kaugalian ng Chinese Sturgeon sa natural condition."
Ngunit, papaanong igagarantiya ang kaligtasan ng mga stugeon sa mahabang paglalakbay mula Beijing hanggang Jingzhou ay isang malaking problema. Pagkaraan ng maraming beses na deliberasyon, ipinasiya ng mga dalubahasa na ihatid ang mga ito sa pamamagitan ng expressway at agarang binuo na ng mga dalubahsa, manggagawa ng Beijing Aquarium, mga opisyal ng administrasyon ng pangingisida at mga boluntaryo ang isang grupong pangtransporte.
Noong alas-9 ng umaga ng ika-21, salamat sa pagsisikap ng iba't ibang panig, maligtas na dumating ng Jingzhou pagkaraan ng 21 oras na paglalakbay. Pinal na bumalik sa ilog Yangtze ang dalawang Chinese Sturgeon. Sinabi ni Liu Jianyi, isang siyentistang lumahok sa nabanggit na aksyon na:
"Noong 2005, inihatid ang dalawang Chinese Sturgeon na ito sa Beijing Aquarium. Sa kasalukuyan,Pagkaraan ng magkakasamang pagsisikap ng maraming tao, maligtas na bumalik sila sa Ilog Yangtze. Tuwang-tuwa ako."
Kaugany nito, ipinahayag ni Fan Xiaojian na ang malusog na pag-unlad ng Chinese Sturgeon Community ay may mahalagang katuturan para sa pagpapanatili ng pagkabalense ng sistemang ekolohikal ng Ilog Yangtze at ang pangangalaga sa kanila at ilog Yangtze ay hindi lamang may kinalaman sa ekolohikal na kapaligiran, kundi rin sa kinabukasan ng sangkatauhan.
|