• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-07 14:41:05    
Kasaysayan ng pelikula hinggil sa Olimpiyada

CRI
Sa Agosto ng susunod na taon, idaraos sa Beijing ng Tsina ang kapansin-pansing Olympic Games. Nagsimula nang isapelikula kamakailan sa Beijing ang opisiyal na pelikula ng Olympic Games at sisimulan ang malawak na pagkuha nito sa Marso ng susunod na taon.

Sa susunod, ipapakilala ko sa inyo ang ukol sa opisiyal na pelikula ng 2008 Beijing Olympic Games.

Isinapelikula ang unang pormal na opisiyal na pelikula ng Olympic Games noong 1912 Stockholm Olympic Games sa Sweden. Pagkaraan nito, ang pagkuha ng opisiyal na pelikula ng Olympic Games ay naging mahalagang gawain at malaking karangalan ng mga susunod na lupong tagapag-organisa ng Olympic Games.

Ang misyon ng pelikula nito ay nagsisilbing komprehensibo at tunay na pagpapakita ng Olympic Games at ng mga pinakamasiglang paligsahan at makaantig-damdaming pangyayari sa likod ng mga paligsahan. At hanggang sa kasalukuyang naaantig pa ang mga taong mapagmahal sa kapayapaan at palakasan sa buong daigdig ng pamilyar nilang tagpo sa pelikula noon.

Ang opisiyal na pelikula ng 2008 Beijing Olympic Games ay ika-22 opisiyal na pelikula sa kasaysayan ng Olympic Games. Sa kasalukuyan, nabuo na ang production unit nito at ang direktor nito ay si Ginang Gu Yun. Kaugnay ng nabanggit na pelikula, sinabi ni Gu na,

"Ang opisiyal na pelikula ng Olympic Games, unang una, kumakatawan sa International Olympic Committee; ikalawa, kumakatawan ito sa lupong tagapag-organisa ng Olympic Games ng nagtataguyod na lunsod; ikatlo, kumakatawan ito sa nagtataguyod na lunsod at sa wakes, ang espasyo ng pagkatha nito ay iniukol sa grupong binubuo ng mga dramaturgo at direktor. Ang pinakamalaking kaibahan nito sa mga pribadong pelikula ay kumakatawan ito sa pamahalaan."