• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-07 14:41:24    
Lindsay Robledo: lagi akong nakaabang sa inyong mga balita at usap-usapan para sa pinaka-latest sa Tsina at daigdig

CRI
Dear Kuya Ramon,

Hindi ko kaagad nasagot ang sulat mo kasi may ilang bagay akong ginawa at medyo naging abalang abala ako. Hindi ko naman pinalalampas ang inyong mga programa lalo ngayong hindi ito mahirap hanapin sa dial. Bale tatlong lugar sa dial ang pinagpipilian ko.

Parang sinasadya ng pagkakataon na ang pagdaraos sa Pilipinas ng ASEAN Ministerial Meeting ay natapat sa panahon ng pag-e-enjoy ng Pilipinas ng mataas na GDP. Ito ay isanag onor sa Pilipinas na siyang Chairman ng ASEAN Standing Committee. Inaasahang mapapag-usapan ng mga Ministro ng Ugnayang Panlabas ng ASEAN ang pinakahuling kalagayan ng pinagsusumikapan nilang itatag na ASEAN Commumity; ma-assess ang progress ng pagpapairal ng Viantiane Action Plan at Action Plans para sa ASEAN Security Community, ASEAN Economic Community at ASEAN Socio-Cultural Community. Kung mari-realize ang lahat ng ito, ang ASEAN ay magiging parang isang malaking bansa sa pagsasama-sama ng kanilang resources. Sana magtagumpay sila rito.

Gaya ng nasabi ko, lagi akong nakaabang sa inyong mga balita at usap-usapan para sa pinaka-latest sa Tsina at daigdig. Walang ibang istasyon na detalyado ang mga balita hinggil sa China maliban sa China Radio International. Maganda rin ang mga naiisip ninyong program na tulad ng Cooking Show, pagbabasa ng letters at text messages at pakikipag-usap sa telepono sa mga tagapakinig. Nakakalibang ang inyong Gabi ng Musika. Gusto ko ang mga sentimental songs na pinatutugtog ninyo. Marunong kayong pumili. Nagkaka-interes na rin ako sa Chinese songs.

Sana magpatuloy sa paglawig ang inyong broadcast at dumami pa ang inyong programa kasabay ng pagdami ng mga tagapakinig.

God bless.

Lindsay Robledo
R. R. Landon Ext.
Cebu City, Phils.