• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-09 18:06:02    
Ika-2 Porum sa Pagtutulungan ng Pan-Beibu Gulf, idinaos

CRI
Ipinalalagay naman ni Mahani Zainal Abidin, Pangkalahatang direktor ng Institute of Strategic and International Studies ng Malaysiya, na sa katatapos na porum, nakita nilang sinimulan nang ipatupad ang proposal ng pagtutulungang pangkabuhayan ng Pan-Beibu Gulf. Sinabi niya na:

"Sa pamamagitan ng porum na ito, nalalaman ng mga kalahok na ang pagtutulungan sa Pan-Beibu Gulf ay hindi lamang limitado sa larangan ng kalakalan at industriya ng paggawa at ang mas mahalagang aspekto ay makikita sa pagtutulungang pandagat at salamat dito, buong-higpit na nagkakaugnay ang mga kinauukulang bansa."

Sa rehiyon ng Pan-Beibu Gulf, malaki ang pagkokompliment sa isa't isa ng mga kinauukulang bansa sa aspekto ng kalakalan sa serbisyo at nakalikha ito ng malawak na espasyo para sa kanilang pagtutulungan. Halimbawa, sa industriya ng pangingisda, humihigpit ang pag-uugnayan at pagtutulungan ng Tsina at Pilipinas at Brunei. Nakapagbukas na rin ang Tsina't Indonesiya ng mga linyang pandagat para mapahigpit ang kanilang pagtutulungan sa transportasyon at agrikultura.

Pagdating sa kung papaanong mapapabilis ang pagtutulungan sa Pan-Beibu Gulf, ipinalalagay naman ni Annur Rofiq Hadi, Ministrong Panlipunan ng Indonesiya na:

"Ang pagtutulungan sa Pan-Beibu Gulf ay bahagi ng malayang kalakalan ng Tsina't Asean. Dapat nating talakayin kung papaanong masisimulan ang mga konkretong pagtutulungan para mapabilis ang pag-unlad ng pagtutulungang ito."

Ipinalalagay naman ni Xu Ningning, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Konsehong Pannegosyo ng Tsina't Asean, na kumpara sa tinalikdang taon, mas maliwanag ngayon ang pakay ng pagtutulungan sa Pan-Beibu Gulf. Sinabi pa niya na:

"Bilang pagtutulungang sub-rehiyonal, ang pagtutulungan sa Pan-Beibu Gulf ay makakatulong sa pag-unlad ng mga bilateral na relasyon ng Tsina at mga bansang Asean at makakatulong din ito sa pangkalahatang pagtutulungang Sino-Asean na nagtatampok sa pagtatatag ng Free Trade Area ng dalawang panig."