Bago pa man nagsimula ang one-year countdown sa 2008 Beijing Olympics noong August 8, usap-usapan na namin ng mga tagapakinig ang naturang palaro at bago pa man nagdiwang ang ASEAN ng kanyang 40th Anniversary noong nabanggit ding araw, marami na akong natanggap na remarks mula sa mga tagapakinig hinggil sa ASEAN.
Kaya ngayong gabi, isasa-isangtabi muna natin ang letter-reading para mabigyang-daan ang mga tinig ng mga tagapakinig mula sa Pilipinas at ibayong-dagat.
Sa aming pag-uusap sa Olympic hotline, sinabi ni Stevie "Boy" Salonga ng Gulf Oil Limited ng Dubai na malakas ang kompiyansa niya na magiging matagumpay ang Beijing Olympics sa 2008. Bakit? Marami na kasi anyang karanasan ang China sa pagho-host ng national at international tournaments at sinabi pa niya na kung sasabihin ng iba na first time ito ng China, lahat naman anya ay nagdaan sa first time.
Sinabi rin ni Steve na ang tanging hiling lang niya sa mga kinauukulan ay huwag naman sanang mahalan ang hotel accommodations at entrance ticket para magkaroon ng pagkakataon ang lahat na makapanood ng Olympics.
Sinang-ayunan naman ni Pilar Advincula ng Beijing ang sinabing ito ni Steve sa pagsasabing ang Olympics ay hindi lamang para sa mga manlalaro, coaches, mga puno ng mga delegasyon, at mga elitista; ito ay para rin anya sa mga ordinaryong mamamayan.
May suhestiyon naman si Butch Pangilinan ng Olongapo City. Sinabi niya na nagsimula na ang one-year countdown sa Olympics bakit daw hindi kami magsimula ng knowledge contest na may kinalaman sa Olympics at iyong mananalo ay makakapunta sa Beijing at makakapanood ng Olympic games nang libre.
Sabi naman ng Singapore-based na si Pomett Ann Sanchez na:
Maraming-maraming salamat sa inyo, Steve, Pilar, Butch, at Pomett.
Sa ating pagpapatuloy, tingnan naman natin kung ano ang sinasabi nina Fritz Mejia, Weng Alonzo at Vince Guerrero hinggil sa ASEAN at katatapos na AMM at ARF.
Sinabi ni Weng na sapul nang itatag ng Indonesia, Malaysia, Philippines, Singapore at Thailand noong August 8, 1967, ang ASEAN ay nanatili nang matatag at mahigpit na samahan. Sa okasyong ng Ika-40 Anibersaryo ng Pagkakatatag nito, hangad niya ang pagpapanatili ng mga kasaping bansa ng Asosasyon ng higpit ng kanilang samahan.
Ayon naman kay Vince, sa mga susunod daw na meetings ng ASEAN, sana daw ay maging praktikal at pragmatiko ang mga
Ministro. Dapat daw nilang tiyakin na mararamdaman ng pinakamahihirap na mamamayang ASEAN ang kanilang gagawing hakbang.
Sabi naman ni Fritz, mukhang hindi raw natumbok ng katatapos na AMM at ARF ang pangunahing isyu sa rehiyon ng ASEAN--ang isyu ng kahirapan.Ito anya ang susi sa lahat ng mga isyu. Pag nalutas anya ito, lahat ng mga iba pang isyu ay damay na rin.
Maraming salamat din sa inyo, Weng, Vince, at Fritz at ganun din sa inyong lahat sa inyong walang-sawang pakikinig. Wala na tayong oras. I am very sorry. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|