Kasunod ng papalapit nang ika-8 ng Agosto ng taong 2008, unti-unting pumapasok ang Olimpiyada sa pamumuhay ng mga naninirahan sa Beijing. Sa susunod, ipakikilala ko sa inyo ang kuwento ni Zhang Le hinggil sa Oplimpiyada.
"Kumusta po kayong lahat, ako si Zhang Le, isang estudyante ng Beijing No.8 high school. Ang kahulugan ng aking ngalan ay kasayahan at ito ay aking kuwento hinggil sa Olympic Games."
Isinilang si Zhang Le sa Beijing noong Agosto ng taong 1990 at ang mga magulang niya ay mga intelektuwal.
Noong ika-13 ng Hulyo ng taong 2001, sa ika-112 sesyong plenaryo ng International Olympic Committee o IOC na idinaos sa Moscow, natamo ng Beijing ang karapatan ng pagtataguyod ng Olimpyada sa taong 2008. Nang ipatalastas ni Juan Antonio Samaranch Toriello, dating pangulo ng IOC, ng ngalan ng Beijing, umaalingawngaw ang palakpakan sa bloke na pinaninirahan ng pamilya ni Zhang Le at ginaya niya ang mga matanda at sumigaw ng "Beijing" habang pumalakpak, sinabi niya na,
"Tuwang-tuwa sumigaw ako: 'Beijing! Beijing!' sa harap ng telebisyon."
Ang kasalukuyang paaralang pinamamasukan ni Zhang Le ay Beijing No.8 hagh School at ito ay pinangalanang exemplary school ng Olympics noong Hunyo ng taong 2006 at pakaraan nito, ang paaralang ito ay nagbibigay ng malaking pansin sa pagpapalakas ng edukasyon ukol sa Olympics para lumikha ng kapaligirang kultural ng human Olympics.
Bukod dito, itinatayo pa ng paaralan ang isang basketball training stadium at sa susunod na taon, ang Dream Team ? ng Estados Unidos ang paparito para sa pagsasanay. Sinabi niya na,
"Bagama't nakakaapekto nang kaunti ang konstruksyon ng stadium nito ng normal na pamumuhay ng mga estudyante, masaya rin kaming lahat, makikita naming mismo dito ang mga bantog na manlalaro sa NBA sa susunod na taon nang magsagawa sila ng pagsasanay. Ang Olympic Games ay papalapit na sa aming pamumuhay araw araw. Sa palagay ko, ang Olimpiyada ay may kaugnayan sa lahat ng mamamayan, hindi itong gawain lamang ng mga opisiyal at atleta."
|